Ang dami kong deliverables. Yung Birth Certificate, yung finalization ng list sa entourage, mga concerns sa office at yung KUMPIL.
Siguro sobrang nabibingi na si Lord sa kakadasal ko na tulungan Niya ako. Kaya naman blessing in disguise ang pagkakasabay namin ni Billie sa LRT.
Ang dami naming napag-usapan. Mula sa theme ng wedding, motiff, photo & video, pati narin yung church na pwedeng pagkumpilan. Sabi nya, subukan ko raw sa San Miguel Church.
Aba! akalain mo ba naman, sobrang okay itong araw na ito. When I told Mai & Pinks about my problem about the confirmation, ang bilis ng pagdating ng tulong.
Tinawagan nila yung church at sakto, may kumpil nga every Thursday, Saturday & Sunday.
Naisip ko, since Thursday naman ngayon, kakayanin ko nang magpakumpil. So, nagpaalam na'ko kina EVH, SBP, SMP at kay mother MAF para maghalf-day. Buti nalang at pumayag sila.
Ang tanong, sino ang magiging Ninang ko? ... Eh di ang tatlong fairy Godmothers sa Asmira, Mai, Pinks & Joan. He he...Para lang kaming magkakalaro dahil; hindi nagkakalayo ang mga age namin. So, barkadahan ito.
Highlights:
*cool ang commentator na kalbo. sabi nya:
"ang kinukumpilan ay mga batang 12 years old.kapag ang nagpapakumpil sa amin ay higit pa sa ganung edad, isa lang ang ibig sabihin nun, MAGPAPAKASAL sya. Itaas ang kamay ng mga magpapakasal ..." - - -At madaming nagtaas ng kamay. he he!
"humawak kayo sa kukumpilan at huwag sa pari.Baka magulat sa inyo si Father." --- ang kulet!
"..at pagkatapos nito, sa akin nyo kukunin ang PINAKAAASAM-ASAM NYONG CERTIFICATE." --- may point naman sya dun ;)
*si joan, ipinatong ag kaliwang kamay sa kaliwang balikat ko. pasaway... dapat kanang kamay sa kanang balikat.
*kumain kaming apat sa lyka's tapsilogan bago ako nagpakumpil.
*pagbalik namin sa office, nalaman ni ninang Pinky na sya ang ipapadala sa Iloilo kapalit ko. So medyo nagulat ang ninang ko, pero i'm sure na kakayanin nya yun.