InViTaTiOn PrOoF rEaDiNg & PrE-cAnA sEmInAr
Umaga, pinuntahan ko agad si mommy sa Bambang para papirmahan yung parent’s consent form na required sa city hall. Yehey! Isang seminar nalang at pwede na naming ituloy yung application for marriage license.
At around 10:30am, nagpunta kami sa Recto for the proof reading of our invitation. Pagdating sa Niño’s print haus, aba etong bading na si John Rey eh nakatigtig lang sa akin at seryoso. Sabi nya:
John Rey : “ Oh! Anong ginagawa mo rito?!”
He he…ang taray ng lola mo pero natawa ako dun ha. Tarayan ba naman ang kliyente. Iba talaga itong si John Rey. After ng proof reading, kailangan parin naming bumalik kasi nabitbit ko sa bahay yung sample na invitation na gagayahin nya. Baka by Monday nalang ( Nov 21) namin idaan sa kanya. Dapat sa Friday ( Nov 25 ) ay ready for pick-up na ang mga invitation dahil magyayaya ako sa mga friends ko na mag-overnight sa bahay sa Sabado ( Nov 26). Kailangan yun para may makasama akong magdikit ng mga flowers at card sa invitation and thank you cards naman sa mga souvenirs.
Before 12nn, Nasa Mc Donalds na kami near West Avenue. At dahil lunch tme narin, umorder na’ko ng chiken with rice for my honey and chicken nuggets naman sa akin. This time, may rice narin yung sa’kin. Sarap. Umulan ng medyo malakas eh wala kaming payong kaya nagtaxi nalang kami. Ito palang taxi na nasakyan namin ay galling din sa simbahan at may hinatid na couple na aattend din ng seminar. Ayos nga eh kasi nung naghihintay kami sa church para sa seminar, natanaw uli namin yung taxi na may iba namang couple na hinatid. Okay na okay ang pasada ni manong. Aba, P40.00 din yata yun kada balik nya. Hindi na masama.
Around 12:30nn, nasa meeting room na kami. Ang daming chairs at unti-unti ring napuno ng maglovers ang lugar. Sa tancha ko, mga 35 couples or more kaming lahat. Bale, mga 70 pax or more. Ang dami. Once a month lang kasi ang pre-cana seminar kaya kung hindi hindi ka makaka-attend, baka mai-adjust pa ang wedding date.
Nung una, may guy na nagpa-preview ng AVP. Siya yata yung may ari nung photo-video service na pine-present nya. Hindi yun part ng seminar pero ayos ang strategy nya. Negosyante nga. Ewan ko lang kung may nagpa-reserve sa kanya after the seminar.
Nakakaantok yung seminar pero in fairness, marami akong natutunan kahit papaano. May naisulat pa nga akong quote eh :
“The goal of marriage is not to be a success but to have your relationship according to the plan of God.” Tama nga naman. Hindi naman lahat ng relationship perfect diba pero kung ang pamilya nyo ay sumusunod sa kung ano ang kaaya-aya sa paningin ng Panginoon, okay na yun.
Apat ang speakers. Okay magpatawa yung 3rd speaker specially nung nag-discuss na sya about different personalities. Si Maries ay flow with and formal. Ang tawag sa kanya ay Analyst. Ito yung tipo ng tao na de-numero or sobrang madetalye sa lahat ng bagay. Ako naman, flow with and informal. Ang tawag sa akin ay Supporter. Ako naman daw yung tipo ng tao na handang umagapay or ibigay ang lahat ng aking makakaya para makatulong pero hindi dapat sobra kasi baka naman martir na ang kalabasan nun. He he…
Ang meryenda namin ay mainit at masarap na empanada at malamig na pineapple juice in can. Medyo nairita pa nga kami ni Maries dun sa babaeng matangkad na bigla ba namang nag-overtake sa harap ko para kumuha ng food. Sabi pa nya “ Excuse me! Excuse me!”. Nakakainis talaga. Hello! Kukuha rin kaya ako ng food. Tama bang hawiin ako. Kinuha nya pa yung food na kukunin ko. Para namang mauubusan sya. Hmp!
Nung pauwi na, dumaan pa kami sa National bookstore at bumili ng board papers na gagamitin namin sa paggawa ng thank you cards and location map. Nakakuha narin kami ng nylon na pangtali sa card pero hindi elastic. Hahanap nalang din siguro kami sa iba pag may mas magandang pangtali. Wala kaming nakitang pakpak ng fairy para sa flower girls. Kung alam ko lang, sana bumili na’ko nung Halloween pa lang. Ang dami nun sa mall eh.
Highlights:
*Ang antuking si Maries ay napapapikit nung seminar kaya kinukurot ko nalang para magising.
*Masarap yung meryenda.
*Lagi nalang umuulan kapag kasama ko si Maries papuntang simbahan.
*For dinner, kumain kami ng masarap na pancit canton at beef pares sa retiro bago kami umuwi. Solve na solve. Ang sarap.
Checklist :
Pre-Cana Seminar – done – November 19, 2005
Invitation Proof Reading – done – to go back on November 21 to give the actual size sample.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home