Sunday, November 13, 2005

SuKaT nG GoWn & 50% PaYmEnT sA sHaNgRi-La

Thank God it's Sunday once again. Ibig sabihin, may time na naman uli kami para mag-asikaso ng mga bagay-bagay.
Morning, dinala ko sila Anjo, Ara at Bilo kasama sila Auntie at Uncle sa mananahi. Good thing, ginamit namin yung fx nila kaya mas napadali ang lahat. Nauna na sila Vhalle at Baching sa mananahi para magpasukat. Masaya naman ang nangyari. Nagkakilala si ara at baching, ang dalawang flower girls. Sinukatan narin ako para sa gown ko. huh! 27 inches ang waistline ko - ang saya diba. Wag nalang nating itanong ang sukat ng braso ko. he he. Hindi muna ako nagbigay ng downpayment kasi nakalimutan kong ihanda yung cash. Sa Wednesday nalang siguro bago ako umalis for our Canonical Interview. Bumili rin pala kami ng masarap ng relleno kay ate fe (yung designer).
Hapon, sinama ko si Bilo at pumunta kami sa office ng Honey ko. As usual, naghintay na naman kami ng matagal. The three of us went to SM Lazaro at syempre pag nandun, isa lang naman ang kinakain ko -- Kindori - isang masarap na ice cream na matatagpuan sa second floor. Sa SM kami nagkita-kita nila Nanay, Daddy at Mae. Nagdalawang taxi kami papunta sa shangrila restaurant.
Pagdating dun, inorder namin lahat ng nakalagay sa package at in-fairness, ang sarap ng mga pagkain as in sarapissima muah! Sumakit na nga yung chan ni Bilo dahil sa dami ng nakain nya eh. Nagustuhan ko yung sliced beef with seasonal vegetable, yung yeung chow fried rice na parang ulam narin at yung boneless chicken w/ kingdao sauce. Marami pang ulam gaya ng prawns with spicy sauce, fried pork spareribs w/ chili sauce, pancit canton at assorted cold cuts combination.Syempre may iced tea na kasama. After naming kumain, we went to reservation area and we discussed some of our comments and requirements with Maila. Sobrang accommodating sya at marami syang suggestions kaya naging masaya yung pag-uusap namin. Natuwa pa kami dahil nung sinabi namin na puro taba yung spareribs, lumabas siya agad at pinaalam sa manager. Ganun daw talaga sila, masyado nilang pinahahalagahan ang komento ng customers lalo na sa pagkain. Sayang yung seasonal vegetable...papapalitan sana namin ng broccoli instead of baguio beans kaso may additional pala na P100.00 per table kaya wag nalang. Nakakatuwa nga si Nanay dahil sobrang mas nag-aalala pa sya sa mga guests kaysa sa amin. Atleast, we know na hindi kami matataranta pag araw na ng kasal namin dahil kayang i-handle ni Nanay. Isa pang pinag-usapan namin ay yung time of serving, 15 minutes kasi ang waiting time kaya dapat i-advise sila ng maaga na i-serve na yung food dahil lulutuin pa yun. Kailanga parin namin asikasuhin ni Maries yung seating arrangement per table para naman magkakakilala yung magkakatabi during reception.
Naging maayos naman yung pag-uwi namin sa bahay. Babalik pa sana kami ni Bilo sa mananahi para ibigay yung downpayment kaso masakit na talaga yung chan ni sister eh nakakaawa naman kaya diretso uwi nalang kami.
Checklist:
Shangri-la Restaurant - 50% downpayment - Nov. 13, 2005
Gowns - 7 more to go - honey,mae,rossette,janis,sam,ging,cherry.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker