DoNe : SoUvEniRs
Sobrang busy nang araw na ito pero i'm so glad dahil natapos na naming ayusin ang 200 pieces na souvenir. Mula sa pagtatali ng TY cards, pagma-mighty bond ng mga natanggal na roses, paglilinis ng mga dahon at pagsisilid ng souvenir sa loob ng box. Tinulungan ako ng mga magaganda kong pinsan na sina ate den-den at anjo. Si auntie luz naman ay kinarir ang pagsasalansan at pagbubukod-bukod ng mga dried flowers na ididikit sa invitation.
Nung una ay na-short ako sa silver strings kaya nagpasama ako kay bilo na bumili nito sa bayan. Nakakita naman kami agad sa halagang piso per yard. Mura sya in fairness. Nilibre ako ni bilo ng pamasahe sa tricycle at ng green tea C2. Sa totoo lang, mas mayaman ang batang ito kaysa sa akin. he he...
Nagtext din sa akin si kateh na may nakita syang fairy wings sa saint francis square - tiange. Grabe, na-touch nga ako eh. Naalala ako ni kateh kahit na naglalakwatsa sya. Sinend nya pa nga sa akin yung number ng tindero eh. Ayos! Sasabihin ko ito kay Maries. At least, aside sa divi ay may isa pa kaming option sa paghahanap ng fairy wings.
Simple but elephant este elegant...

Higlights:
*si ate den-den, maraming nasira na souvenir. Ang bigat kasi ng kamay eh. he he. Kaya sya na ang inassign namin na maghawak ng mighty bond at maging repair lady ng mga nasisirang souvenir.
*nagtago na ng dalawang souvenir si ate. Eto pa, ilang ulit din siyang nagpalit ng souvenir dahil humanap talaga sya ng pinakamaganda para sa kanya. Ayos!
*kaya kinarir ni auntie luz ang dried flowers dahil hindi kaya ni ate. Pang mga creative people lang daw yun, at sya ay pang souvenir lang...tiga-sira at tiga-dikit. He he.

1 Comments:
ganda! :) at, late na ren tayo umuwi nung minsan para mag gupit at mag buhol ng tali. enjoy naman.
Post a Comment
<< Home