AnG cHaLLeNges Sa iNvitaTion
Ano ba ang mararamdaman mo kung ang isang bagay na ineexpect mong maayos ay hindi naging ganun? Hay... as in haaaayyy talaga.
Ilang beses na'ko nagpupunta sa Recto pero hanagang ngayon ay hindi ko parin kayang pumunta ng mag-isa dun. Lagi kong nakakalimutan yung mga sinasakyan eh at saka kung saan bababa. Buti nalang free na si Maries nung gabi kaya sinundo ko nalang sya sa office nya at sabay kaming pumunta sa Recto para sa invitation.
Pagdating sa Recto, pinakita sa amin ni John Rey yung Lay-out. Nung una, sobrang satisfied na ako hanggang sa nagkaroon ng konting problema. Hindi nasunod yung size nung folding na gusto ko. Naiintindihan ko naman na kung ganun kakipot yung fold, eh hindi narin magkakasya yung mga letra. La lang. Siguro masyado lang akong nag-expect na okay na talaga yung requirement ko. Feeling ko tuloy, palpak. Medyo nainis nga rin si Maries eh kasi ang gulo-gulo na nung usapan naming tatlo hanggang sa natapos yung usapan na medyo magulo parin. Itinago na kasi ni John Rey yung sample eh mali nga yun. Nagkasundo kami verbally pero yung sample ay hindi naman nabago kasi itinago nya na agad. Wiish ko lang matandaan nya yung mga pinag-usapan namin.
Kaya tuloy nung nagdi-dinner na kami sa Jollibee Blumentritt, nawalan na ako ng gana. Wala ngang kumikibo sa aming dalawa kasi nakakainis talaga. Hmp! Di bale, creative naman kami ni Vhalle eh. Mag-aadjust nalang kami pagdating sa design.
Hinatid ako ni Maries hanggang sa bayan dahil pinabitbit ko narin sa kanya yung ibang souvenirs. Since merong long weekend, aayusin ko na yung souvenirs.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home