MaG-AsaWa'y di BiRo
Ganun pala ang pakiramdam kapag mag-asawa na kayo. Parang bata na bagong silang. Hindi mo alam ang gagawin. Kung alam mo man ay medyo hindi ka pa ganun kagaling o yung tipong nangangapa ka pa. Pero katulad ng isang bata… lagi kang excited sa lahat ng bagay na gagawin mo at masarap yung feeling kapag nagtatagumpay ka sa mga ginagawa mo. Minsan nga lang medyo hindi ganun kapulido ang pagkakagawa gaya ng sa pagluluto (ng adobo), pamamalantsa (ng limang piraso…waaah! ang laki naman kasi ng polo nya), paglalaba (kaya tuloy nasugatan ako) at pagde-decorate ng bahay (na puro karton ng mga rice cooker, plantsa, plato etc. na mula sa mga regalo sa kasal) Pero at least, nagawa mo. Atleast nagawa KO ng buong puso at nang buong lakas (yaahh!).
Mula sa pagiging makasarili ay unti-unti akong binabago at nare-realize ko na ooopps teka, may kasama na pala ako sa bahay at dapat ay umayos ako. Kaya tuwing umaga, hindi lang medyas, panyo at gamit ko ang hinahanda ko kundi pati rin yung sa kanya. Hindi lang unan ko ang inaayos ko kundi pati rin yung sa kanya.
Araw araw, excited ako na umuwi dahil gusto ko na syang makita, mayakap at makasama. Ang corny no. Para kaming mga bata na sa tuwing magkikita ay hindi maipinta ang saya sa mukha. Harutan nang harutan. Paulit ulit lang naman ang sinasabi “ I miss you “ “ I love You “ pero napakasarap pakinggan at may kasama pang pagkilig yun.
Mamaya, magkikita na naman kami. Yahoo. Ano kayang lulutuin ko? Hotdog…Ham…Tinapay nalang kaya at ladies choice ( “ham nga”) hehe. Bahala na. Basta ang mahalaga ay totoo ang lahat ng ito. Hindi isang panaginip. Kung mananaginip man ako, mamayang gabi na lang yun habang katabi ko syang natutulog. Gud.









