Wednesday, December 28, 2005

MiSaLettE,WeDdiNg SonG,BiBLe & MuLaWiN

7:14 am palang ay nasa Jollibee Tayuman na ako at naghihintay kay Maries. Dumating sya ng mga past 7:30 na. Late na naman pero okay lang at least hindi ako ganun katagal naghintay. Kaya hon, if you're reading this, pinatatawad na kita. he he. Thanks nga pala sa lunch ; )

Una naming pinuntahan ang Hearts of Jesus & Mary Parish sa West 4th. Dinala namin yung copy ng misalette para i-check ni Jhonny (secretary) kung okay yung contents. Sabi nya, okay lang naman daw tutal minor changes lang sa sasabihin ng commentator ang ginawa namin. Same flow parin naman yung mass. Sinamahan din kami ni Jhonny sa loob ng church para i-test kung nagmamatch na yung jack nung disc player namin dun sa player nila. Okay naman. Unang isinalang ni Maries yung kay Ogie para i-check yung sound. Ang tugtog ay "...bakit ba hindi ka nakilala ng ako'y malaya pa..."

Jhonny: (nagtataka) iyan po ba ang wedding song nyo?
Maries & Melody: hindi po. he he...

Then we played our wedding song " Sa Piling Mo " by Ogie and Regine and instrumental ng "Now that I Have You". Ang ganda. Actually, feel na feel ko nga eh kasi may red carpet pa dun. Inaayos nila yung church dahil may ikakasal ng 10am kaya medyo habang nakikinig sa song ay lumalakad din ako sa red carpet. he he... pa-girl.

Since maaga pa, nagpunta muna kami sa SM Manila at nonood ng "Mulawin". Okay yung palabas pero ayoko talaga pag nakikipaglaban si Alwina. Talon ng talon na para bang bumubwelo lagi. Nakabili narin kami ng Bible sa St. Pauls.
Medyo mabagal ang oras ngayon kasi nakapasok ako sa office ng walang ka-hassle hassle.12:32pm. Sakto lang para sa half-day leave ko. Si Maries naman ay hanggang mamayang gabi pa ang uwian. Mamaya, pag hindi sumakit ang ulo ko dahil sa sipon, aayusin ko na yung unity candle namin at matches.

Monday, December 26, 2005

BriDaL CaR & UniTy CanDLe

Maries & I met at Jollibee Tayuman ( as always) at around 11:30pm. Medyo tinanghali na kasi medyo tumambay pa'ko sa bahay namin at nagbayad na ako ng balance namin sa gown. We had our lunch at Jollibee tapos nun, nag-LRT-MRT na kami papuntang Ayala. Hinanap namin yung Rustans kasi katapat lang daw nun yung Makati Tuscany Condominium. Hindi naman kami masyadong nahirapan maghanap kasi okay yung pinagtanungan kong guard.
Bloopers sa kalye : May ale na nagtanong kay Maries
Ale: Pwede bang tumawid dito?
Maries: Ah opo. Antayin nyo lang pong magpula ang ...
Ale: ( After marinig ang "opo" ni Maries ay bigla-biglang tumakbo patawid ng kalye)
Maries: a...a... (Hindi pa tapos magsalita)
Melody: Hon, binastos ka..
Maries: Na-wow mali yata tayo eh. Asan ba ang camera? ha ha ha...
* At yung ale ay nasa kabilang kalye na habang nagtatawanan parin kami. he he...
So, yun nga, nakita namin sa ground floor ng Makati Tuscany ang Carlines Rent-a-car. Okay naman yung office and instead of having Toyota Vios, we opted to reserve Toyota Altis. Mas maganda kasi at mas malaki. We didn't see the actual unit but according to them, okay naman daw at walang gasgas. We paid in full para wala nang problema. So, the package includes the car (syempre), driver, gasoline and simple flowers for the bridal car. Good for 5 hours yung fee and additional P350.00 per exceeding hour.
Ms. Mae, (we think she's the owner of Carlines), asked for my wedding motiff. Since i have a copy of our wedding invitation, i showed it to her. Aba! ang sabi nya " this is beautiful. " ang sabi ko naman " ako po ang may gawa nyan (yabang!) ". Nakakatuwa kasi manghang-mangha sya sa invitation. So habang tinitingnan nya, sabi nya " very creative. sobrang personalized. detalyado lahat mula sa string...flowers...and pati itong maliliit na papel... blah blah blah..". Palakpak naman ang tenga ko at sobrang nakangiti kasi na-appreciate nya yung invitation. La lang, thanks to my friends who helped me in preparing the invitations. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi nya. Before we left, she gave me a little box containing red & orange soaps from body shop and she also gave Maries a calendar.
We were supposed to bring the copy of the misallette to the church but when we arrive, their office was closed. Okay nalang din. Sa wednesday nalang kami pupunta. Nagpareserve na kami ng rooms sa Aberdeen Court. Ganun lang pala ang reservation dun, ililista nila yung requirement mo sa logbook. I just hope na mapagtabi talaga nila yung room namin ni Maries before the wedding para mapadali ang pagkuha ng video. We also reserved a suite room for our honeymoon ; )
Bago kami umalis ng west avenue, hinanap muna namin yung The One Executive Building para iabot yung invitation for Jennet and Christian. Since wala silang office, iniwan nalang namin sa guard sa lobby yung invitation.
Nagpunta kami sa SM North Edsa para maghanap ng unity candle.Nakakita ako ng unity candle sa wedding library kaso ang mahal naman masyado P600 to almost 2k ang mga presyo. Hindi practical kaya chinika-chika ko nalang yung saleslady dun habang sinusukat-sukat ko na yung lapad at haba ng candle. Gagawa nalang ako ng sarili naming unity candle. Nakakita rin kami ng stall na puro kandila and medyo mas mura sya ng 300 plus lang pero red naman yung design eh blue yung motiff namin kaya ako nalang talag ang gagawa.
Pumunta kami sa sm supermarket at binili na namin yung ibang kailangan namin sa emergency kit ko like tissue, cotton, cotton buds at nakakuha kami ng candle (liwanag) sa halagang 100plus lang. Bumili narin kami ng matches na malaLAKI. Ayos.
Nagpadala narin kami sa LBC ng isang invitation papuntang Ellensburg, Washington. Ang siningil sa amin ay P1,000.00 and by January 3 or 4 na ang delivery nun. I hope matanggap agad ni Auntie Betsy yun kasi nakakahiya naman kung after the wedding nya na matatanggap.
Paguwi namin sa Novaliches, humirit pa'ko at nagpasama kay Maries para bumili ng silver strings na gagamitin ko sa candle.
Ang galing namin ng Honey ko. Kahit na masakit na ang mga paa namin ay ang dami naming nagawa ngayong araw na ito. Ilang tulog nalang...haaayyy....
Checklist:
Bridal Car - Carlines at G/F Makati Tuscany (infront of Rustans)

Saturday, December 24, 2005

aNg GowN kO

Yahoo! Nakuha ko na yung gown ko kagabi kasama yung mga pillows, cord, veil and arrhae. Isa lang ang masasabi ko, perfect! It’s perfect because it was done the way I want it to be. Simple lang pero elegante. Ate Fe told me to try it on but I declined. Hindi naman sa mapamahiin kami pero wala naman sigurong mawawala kung susunod hindi ba. Hindi nalang ako masyadong kakain para magkasya sa akin yung gown. Haaayyy! Excited na talaga ako. Yun nga lang medyo hindi dapat masyadong ma-excite dahil wala pa kaming unity candle, bible, matches, misalette and bridal car.

Dinala ko rin kay Ate Fe yung gown ni Mae & Rosette kasi nasira yung zipper.

Kahapon nga eh talagang inayos ko na yung soft copy nung misalette para naman makapagpractice na si mai, pinky and ellen. We still have to bring the copy to the church. Kailangan pa kasi nilang I-approve kung okay na yun. Kung may mabago man, malamang yung kay pinky lang.

Today, kami lang ni Joan ang nasa office. Bakasyon na ang lahat.

Mamayang uwian, Ako at si Maries ay pupunta sa Makati para I-check yung supplier ng bridal car. I really hope na magustuhan namin yung model nung car pati yung price.

Wednesday, December 21, 2005

Eto Na... ang iMbiTasYon

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Materials : sinamai, silver strings, dahon and flowers from divisoria, makiling paper from niños print haus and blue paper from national bookstore.

Image hosted by Photobucket.com

Location Map c/o Ta Tebs

Thursday, December 15, 2005

InviTaTiOn ULi at AnG BaHaY sA TaYuMan

Ibinigay ko na sa honey ko ang mga invitations na pinagtulungan naming ayusin ni Bangge nung morning. Bale for distribution na sya. Ang pending ko nalang ay yung 31 blank invitations na para kay nanay. Instead na I-print yung names nung pagbibigyan, si nanay nalang ang magsusulat ng pangalan. Actually, kinapos ako ng 6 invitations. Meron pa naming sobra kaso raw pa. Kailangan ko pang magdikit ng paper, string & flowers. Kakayanin ko na yun.

Tumingin kami ng bahay sa Tayuman sa may tapat ng Jollibee. Yung green na building – nakalimutan ko na ang pangalan. In fairness, ang ganda at sobrang okay yung kapitbahay sana namin, si Oliver. Wala kasi yung may-ari kaya sya yung nag-tour sa amin sa 4th floor. Ayos. Php 6, 750.00. Medyo nalalakihan ako sa rental fee. Pag-iisipan nalang muna namin ni Maries ito.

Tuesday, December 13, 2005

MisALettE ... At Ang PagTuLog Sa Bus

Kumuha na kami ng soft copy ng misalette sa church. Naka-format na sya bale yung name nalang ng groom and bride ang ii-insert before printing.

Since ang kakantahin lang nung choir ay yung mga songs during the mass, magdadala nalang ako ng cd ng Now that I have you (instrumental) and Ikaw lamang (by Ogie). Wish ko lang makahanap na ako ng mga songs na ito lalo na yung una. Kami rin ni Maries ang magdadala ng disc player dahil wala sila nun. Sana okay yung maging sound and I really hope na maging okay ang lahat. Binayaran narin namin ng full yung church fee para wala nang problema.

Weird. Nung pauwi na kami ni Maries, sumakay kami ng bus from west ave. papuntang SM Fairview. Sa sobrang pagod ay nakatulog kaming dalawa. Nagising nalang kami nung bigla kaming ginising nung konduktor. Pagdilat ng mata ko, kami nalang ni Maries ang tao sa bus aside from the driver and konduktor. Sabi pa nung konduktor “ O bilisan nyo! Bilisan nyo!” Syempre nataranta kami. Walang tanung-tanong, bumaba kami agad ng bus. Yun pala, may problema yata sa bus kaya huminto at pinababa lahat para magtransfer sa isa pang bus. Buti nalang at hindi kami naiwan nung bus na pinaglipatan ng mga pasahero. Naawa tuloy ako sa amin pa’no wala man lang gumising sa’min. Haayyy… Pero okay narin atleast safe kaming nakauwi ni Maries sa bahay namin. Hinatid nya ako sa novaliches then umalis din agad dahil gabi na.

Monday, December 12, 2005

GoWn Ni SaM

Ibinigay ko kay Maries yung gown na gagayahin ni Sam. Pumunta nalang sya sa TP para kunin yun.

Sunday, December 11, 2005

WhiTe ShOeS

Sinamahan ako ni Bilo sa SM Fairview para bumili white shoes, Blue Paper na pandagdag sa invitation at mga kagamitan pang-honeymoon like … : )

Na-motivate kong sumama si Bilo dahil sa pangakong bibilihan ko sya ng Fruitas (melon). Syempre, Mango-Banana naman yung sa akin. Ayos!

Dumaan muna kami kay Ate Fe (ang mananahi) para kunin yung gown ni gie (bridesmaid). Hinihiram kasi yun ni Sam (pinsan ni Maries) para tularan. Hindi kasi sya nasukatan dati kaya magpapatahi nalang sya sa kanila. Okay naman yung gown at sobrang simple. Ang design ay courtesy of my fluffy friend, kateh and my tita Aria (ching!).

Saturday, December 10, 2005

O.t. sa Tp

Nag-O.T. kami sa office (past 10pm) hindi dahil sa work kundi… sa paggawa ng invitation. Habang ginagawa namin nila pinky at mai ang invitation, nanonood kami ng sister act 2. Nakakatuwa at ang cute ng steps sa Joyful. Masarap ang dinner namin, umorder kami sa Tapa King ng Sinangag with Danggit and Tapa plus meron pang mainit na noodles. Sarap!

Thursday, December 08, 2005

‘d iNvitation FaCtoRy

Marami pang dapat I-polish sa mga invitations. Kaya naisipan kong dalihin ang mga ito sa office upang humingi ng tulong sa mga asmira ladies. Salamat naman at hindi ako napahiya sa kanila. Agad nila akong tinulungan. Buti nalang anjan sina pinky, kateh, mai at joan. Nag-part time job din sa factory ko sina ellen at erly kaso nahirapan si ellen na magpulupot ng mga flowers. He he…dapat paturuan ang batang ito sa nanay mai nya.

Hindi parin tapos ang mga imbitasyon pero dapat ay matapos na ito hanggang sabado dahil dadalaw na kami ni Maries sa mga ninong at ninang namin sa lalong madaling panahon.

Ang imbitasyon ay gawa sa:

1. Sinamai at Makiling Paper – galing sa Niños printing haus c/o John Rey.
2. Blue recycled paper – mula sa National bookstore, Robinsons Place na binili namin ni kateh.
3. Mga bulaklak at dahon – galing sa divisoria na binili namin ni valeng.
4. Silver strings – c/o Miranda bookstore at Recto and tindahan sa may Novaliches, Bayan.
5. Cream white board paper – marami itong gamit. Mula sa TY card sa souvenir, sa location map sa invitation at card na lalagyan ng pangalan sa invitation. Bnili namin ito ni Maries sa National Bookstore, West Ave. Malapit sa Church.

Ang mga kagamitan :

1. Gunting – mula sa gamit ni ms chabs, napulot ko lang na red na gunting sa office at gunting na remembrance ni jeff kay joan.
2. Paper crimper - mula sa National bookstore, Robinsons Place na binili namin ni kateh.
3. Glue gun – yung malaki na binili namin ni ellen at mai sa Expressions, Monumento ay sumabog na. Nag-overheat yata. Kaya nanghiram nalang ako ng maliit na glue gun kay Maries.
4. Glue Stick – mula kay Maries.
5. Ticket Puncher – binili namin ito ni Maries sa National Bookstore, Recto.
6. Mighty Bond – hindi namin dapat binili ito. Hindi naman sya useful. Nagmamantsa sa paper. Binili namin ito ni Maries sa National Bookstore, Recto.
7. Elmers Glue – hindi rin kapaki-pakinabang. Yung isa ay hiniram ko kay Bilo. Yung dalawa ay binili ko pa sa Novaliches, Bayan. Ibibigay ko nalang din siguro kay Bilo.

Ito ang replica ng imbitasyon : (wala pang picture eh. ginawa ko lang yan sa powerpoint)
Image hosted by Photobucket.com

Wednesday, December 07, 2005

ApArTmEnT

Nag-text ako kanina kay Ms Vine, yung may-ari nung apartment na titirahan namin, para itanong kung kelan na kami pwedeng mag-transfer sa house. Gusto sana namin ni Maries na sa 3rd or last week of December ay makapaglipat na para after the wedding ay diretso na dun. Ang problema, yung nakatira dun sa house ay sa January 22 pa aalis. Paano na yan? It’s either maghanap kami ng bagong house or maghintay hanggang January 22. Haayyy…

Monday, December 05, 2005

CaKe , MaRriAge LiCenSe & HoTeL

Natutuwa ako kay Maries dahil inasikaso nya yung ibang pending naming. Nagpasama nalang sya kay Tita Tebs (Tita nya). Nakuha nya na yung Marriage License namin sa Quezon City Hall and nakapagpa-reserve narin sya ng cake sa Goldilocks. Kinuha na namin yung “True Love” na cake kasi infairness, maganda naman yung design and I’m sure na masarap yung mocha chiffon.

Nagandahan si Maries sa Great Eastern Hotel. Yun yung hotel na pinakamalapit sa Church. Ang reservation ay 1 week before the event kaya babalik nalang kami dun.

Checklist:

Cake – Goldilocks “True Love”
Tel. 3747483
Hotel - Great Eastern Hotel – Tentative
1403 Quezon Ave. Quezon City
Tel. 3718282

Saturday, December 03, 2005

My WeDdiNg ShoWeR

Excited ako for my wedding shower kaya kahapon palang ay bumili na’ko ng blue stripes na top para girlalu ako sa party.

Galing pa kami ni Madz sa Pier 18 pero nung bandang 4pm na ay pumunta narin kami sa TP para umattend ng meeting with Ms. AMA. Hindi pa man natatapos yung meeting ay umeskapo na’ko at kinaray si Myra patungong office nila Maries. Tatlo kasi kaming pumunta sa Recto para kunin ang mga sinamai na invitation from John Rey.

Nung makita ko yung invitation, nagandahan ako kaso lang hindi pa sya nakatupi. Ang usapan kasi namin ni John Rey, ako nalang ang magtutupi pero naisip ko rin, teka! Eh 30 pesos kaya ang binayad namin per piece tapos hindi nakatupi. Buti nalang mabilis itong si Mai. Tumayo na agad sya at sinimulang butingtingin ang mga imbitasyon. Pinaghiwalay nya ang mga magaganda at rejected tapos ay ipinatupi ang mga ito kay John Rey. Tumulong din naman kami ni Mai sa pagtutupi na dapat sana ay part nalang talaga ng service nila. Yung suplada pang babae na may-ari siguro ay nagpaparinig pa sa amin na “aabutin kayo ng syam-syam sa pagtutupi nyan!” Aba! Eh customer kaya kami. Hay naku talaga. Sa totoo lang, hindi ako satisfied sa service nila. Buti nalang at medyo napapangiti nalang si John Rey at mukhang hiyang-hiya sa amin. Kung wala siguro si Mai, baka nakipag-away na’ako. Di bale, dadaanin ko nalang sa creativity ang pagde-design ng invitation.

Pagkagaling sa Recto ay naghiwalay na kami ng sinakyan. Si Maries ay umuwi na samantalang kami ni Mai ay bumalik pa ng office. Pagdating sa opisina, hindi namin ineexpect na hinihintay pala kami ng asmira girls plus madz and virnel. So yun, sabay-sabay kaming pumunta sa venue ng party – Hap Chang.

Mga pangyayari sa Hap Chang :
- hanep ang name ng nagpa-reserve – “Joan Macaraig” dapat kasi macaraEg yun. Asus!
- Hindi pa nakahanda ang vip room nung dumating kami kaya naghintay pa kami ng ilang minuto.
- Ang lawak at ang ganda nung room. May videoke, may malawak na sala at ang importante sa lahat, may malaking dining table.
- Ang sarap ng mga pagkain. Busog kaming lahat.
- After kumain, nagpalaro sila kateh ng isang wholesome na laro. He he… partner kami ni ellen. Ang rule : ipasok ang condom sa saging sa pamamagitan ng bibig. Si ellen ang may hawak ng saging at ako ang magpapasok ng condom. After ipasok, dapat ubusin ni ellen yung saging. Yak! Ang galing ko daw magpasok ng condom sa saging. He he he… Si ate me-ann, ginamit ang ‘chin’ para maisuot ang condom sa saging. Si grace naman ay ginamit ang ngipin. Ayos di ba. Natalo ang team namin ni ellen dahil may mas mabilis ngumuya at lumunok ng saging si mai. He he.
- Kantahan lang kami to the max.
- Sumunod nalang si Bundy at buddy tapos last batch naman sina ate cielo at ms leah.
- Natuwa ako dun sa game sa tissue. Pinakuha ang bawat isa ng tissue paper tapos from that item, pinagawa sila ng anything na related sa wedding. Nanalo si Mai dahil isang set ang ginawa nya – bulaklak, bible, rings at flowers. Si jhake naman ang second place kasi ang cute nung cord na parang buhok ni rapunzel na nakatirintas.

Isa sa pinaka-cute na part ng shower party ay nung pinapikit nila ako. Akala ko kung anong gagawin nila yun pala may ikakabit sila sa parts ng body ko. Nakadamit parin naman ako. Isa-isa silang may isinuot sa akin – sa braso, hita, ulo, yung iba nga may isinuksok sa tapat ng maselang bahagi. Mga pilya talaga. Pagdilat ko, napapalibutan ako ng sandamakmak na panties. Para matanggal yun, may mga tanong sila na pinasagot sa akin. Lahat yun ay puro tungkol kay Maries kaya lang kakaiba naman yung mga tanong kaya konti lang ang nasagot ko. He he… Pinahulaan rin sa akin isa-isa ni kateh kung sinu-sino ang nagbigay ng mga panty.

Dumating sa gift giving part na kung saan ang mga mababait kong friends ay nagbigay ng mga bagay na kulay blue. Ayyy…sobrang na-touch ako. Pero teka, yellow ang binigay nila bundy at buddy. Tama kaya ang party na pinuntahan nila? He he…

Bawat isa ay nagbigay ng mga payo nila para sa akin. Ako rin, nagbigay ng message. Naiyak pa nga ako kasi naalala ko ang mommy ko.

Bilang pangkalahatan, sobrang saya ko ngayong araw na ito. I feel so special kasi nagprepare pa sila ng shower party for me. Hindi matatawaran ng kahit anong shower party ang event na ito dahil sobrang kwela at espesyal ng mga taong dumalo at naki-celebrate sa akin. Pwede kayang magpakasal twice para may shower party uli? He he…

Bago natapos ang party, nagpakitang gilas sina kateh at myra. Interpretative singing and dancing ito! Nakakatuwa lalo na nung kinanta yung “halik”. He he… Sample: “nasasaktan ako oh babe sa tuwing nakikita ka, naninibugho ako oh babe, pag may kasama kang iba …” Hindi ko makalimutan yung action ni myra. Ha ha!

Ang pinakamasayang part, hindi ako sumali sa pagbabayad ng mga nakain namin. Ang laki ng nagastos nila pero sulit. P 4,460.00 (consumable yung 2,500 na binayad for the room). Swerte ko.

Nakitulog ako, si mai at ellen kina pinky. Si kateh naman ay kina ms. grace tumuloy. Bukas, ibibida ko sa bahay ang mga panties at ang mga gifts. Yabang.

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker