WeDdiNg BaNn, GoWn MeAsUrEmEnT & OuR nEw ApArTmEnT
Maaga akong nagising kasi gumawa na ako ng samples ng thank you cards. I hope magustuhan ni Maries. Sa mga samples na ginawa ko, pareho ng gusto si bro at bilo.
Around 10:45am, nagpunta kami ni Bilo sa Ina ng Buhay Parish para ibigay yung wedding bann. Si Ms. Jackie ang kumuha nun at pinababalik nya nalang ako ng December 14, 2005. Kailangan pa kasing i-announce yun for three consecutive Sundays eh. Natuwa nga ako kasi nakilala agad ako ni Ms. Jackie. Sabi nya “ Diba ikaw yung lector?”.
Nakita ko rin sa church sina Ms. Laura at Thet. Sila ang mga kasamahan ko sa Lector and Commentators Guild. Nakakahiya nga eh kasi hindi na’ko nakakapagparticipate sa mga activities and meetings. Hindi narin ako nakakapagbasa sa church. Humingi nalang ako ng paumanhin sa kanila. At least, nakita nila na may inaasikaso talaga ako.
Sinundo namin ni Bilo si Ate Fe after naming magpunta sa church. Marami kasing mga abay na susukatan kaya tinipuntipon namin silang lahat sa bahay nila Maries sa Tondo. Yun ang pakay namin kaya kasama si Ate Fe, sabay-sabay kaming bumiyahe papuntang Tondo. Dumaan muna kami sa Tayuman since may imi-meet pa kami sa Jollibee ng 1:30 pm. Ang bilis kasi ng byahe namin kaya qurter to 12nn pa lang ay nasa meeting place na kami. Kailangan pa naming hintayin si Cherry (college friend namin ni Maries) at si Ate Chit (partner ni Ate Fe sa pananahi ng gown).
Habang naghihintay ay kumain muna kami sa Jollibee. Ang nakakahiya pa, si Ate Fe yung nagbayad nung kinain namin ni Bilo. Mapilit kasi sya. Eh sino ba naman ako para tumanggi. He he… Pero sa totoo lang, nahihiya talaga ako.
Dumating agad si Ate Chit pero wala pa si Cherry. Nung nagtext sa ‘kin si Che, malayo pa raw sya kaya nag-decide kaming apat na mauna na. Sumunod din naman si Cherry after a few minutes tapos sinundo ko nalang sya sa pure gold gamit ang padyak ni Mang Johnny.
Ang mga sinukatan ay sina mae (sister in-law to be), cherry, rosette, janis & ging (mga pinsan ni Maries). May isa pang hindi nakahabol dahil sumakit ang ulo ng mommy Tess nya, si Sam. Fairview pa kasi sila manggagaling eh.
After nito, pumunta ako, si bilo at honey ko sa dagat-dagatan para tingnan yung sinasabi nila tita Gina na apartment na malapit sa kanila.
Nakilala namin si Ms. Vine. Sya yung may-ari ng apartment at sa tingin ko naman ay mabait sya. Teacher daw sya sa Kaunlaran Elementary School. Sinilip namin yung bahay pero hindi namin masyadong nagalugad dahil may nakatira pa. According to Ms. Vine, aalis din naman daw yung nakatira dun by last week of December dahil lilipat din sila sa pinagagawa nilang bahay sa tapat lang nung apartment.
Cute yung house. Bungalow type na may dalawang kwarto sa loob. Maayos ang kusina at maganda ang banyo. Tungkol naman sa kuryente at tubig, kanya-kanya ang pagbabayad. Kumbaga, may sariling metro. Okay si Ms. Vine, two months advance lang ang hinihingi nya at wala nang depo-deposit pa. Ito yung sinabi nya na natuwa kami ni Maries:
Ms. Vine : “Kung dumating yung Bill sa kuryente at wala pa kayo, kahit ako nalang muna yung magbayad kasi ayoko ng napuputulan (ng kuryente)”.
Ayos! Saan ka naman makakakita ng ganun? May pagmamalasakit.
Kukunin namin ni Maries yung house. Malaki rin ang advantage dahil malapit lang yung bahay kina Tita Gina (tita ni Maries). At least, kung kailangan namin ng tulong, may matatakbuhan kami. Hopefully, by last week of December ay makapaglipat na kami ng mga gamit (kung may ililipat na gamit. He he.). Gusto kasi namin, before the wedding, nakahanda na yung titirahan namin.
Ang dami naming na-accomplish today. Na-appreciate ko rin yung pagsama sa akin ni Bilo kahit na medyo pinilit ko lang sya na sumama. He he…
Pag-uwi namin sa bahay, ginawa ko pa yung assignment ni Bilo about pollution. Natapos na yun around 11pm. Nag-print narin ako nung thank you card design na napili ni Maries, Bilo at Reagan. Ipapakita ko yun bukas sa honey ko.
Highlights:
*2pm na, hindi pa nagla-lunch si Cherry kaya kina Maries kami kumain. Lunch sa kanya at meryenda naman ang sa amin ni Bilo.
*Estimated guests naming ay 486 pax. Nyak! Kailangang maayos ito kundi ay maghuhugas kami ng pinggan sa shang.
*Nag-dinner kami kina Tita Gina – Longganisa with kamatis, Tocino at Menudo ang ulam.
*Ang ganda ng bagong bahay nila Tita Tebs. Sana mapaganda rin namin yung magiging bahay namin.
*I have discovered na magaling mag-sketch ng damit si Ging (pinsan ni Maries). Feeling ko, magkakasundo kami kasi mahilig din ako sa mga art-art na yan.
Checklist:
Wedding Bann – get the copy on December 14, 2005
Gowns – si Sam nalang ang hindi nasusukatan at kailangan rin palang sukatan uli si Marichell dahil may hindi pa nasusukatan sa kanya. Arm hole yata pero tube ang damit eh…
Apartment – Meron na. Ayos! Maglilipat na kami ng gamit hopefully last week of December.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home