FaMiLy pLaNNiNg SeMiNaR
7:41 am palang ay nag text na sa’kin si Maries. Sabi nya “hon, nasan ka na? Nandito na’ko (sa Jollibee Tayuman)..he he joke lang. Kita nalang tayo”. Aba! Ang yabang ng honey ko. Eh pa’no, sinita ko na kasi sya dahil late sya palagi. He he. In fairness naman, maaga sya talagang dumating.
Dahil 11:00am pa ang sched namin sa QC Hall, pumunta muna kami sa Recto para I-check yung lay-out nung invitation. Unfortunately, dahil marami raw client si John Rey para sa December weddings, nakiusap sya na kung pwede ay bukas nalang. Okay.
Since past 9am palang naman, nag-decide kami ni Maries na dumaan muna sa National Bookstore sa Morayta para bumili ng ticket puncher, silver string at mighty bond na gagamitin namin sa pag-aayos ng souvenir at invitation. Ang hirap hanapin ng silver string. Nagalugad na namin yung buong National pero wala talaga. Bigla kong naalala yung Miranda Store na kahilera lang din ng Mc Do at Burger King sa Morayta. Ang tindahan na luma pero maraming strings and laces na tinda. Hindi nga ako nagkamali. Nakabili kami dun ng silver string na 25 yards. Yey! At least yung fairy wings nalang ang kulang.
After nito, nagpunta na kami sa QC Hall at agad na nagparegister sa Health Department para sa Family Planning Seminar. 15 couples lang pala per day ang kaya nilang I-accommodate at pang-lima kami sa registration. Buti nalang dumating kami at around 11am. Ang seminar daw ay magsisimula ng 1:00pm. Since maaga pa, naghanap kami ng makakainan at napadpad kami sa Mc Donalds para mag-lunch.
Before 1pm, bumalik kami sa Health Department at naghintay sa upuan sa labas. Ang tagal din naming naghintay eh mainit pa naman. Si Maries nga sumisipol pa para lang magtawag ng hangin. Nakikisipol din ako. (Parang mga bata). May mga moment na nakapikit lang ang honey ko at natutulog habang ako naman ay nangungulit at humihila ng mala-glitter na dumi sa braso nya. He he. Syempre naiinis sya kasi magulo ako.
Nung magsisimula na ang seminar, pinapila kami according to our registration number. Syempre ang yabang namin kasi medyo sa unahan kami ng pila – number 5. Yung nagpapapila dun ay isang tao na medyo maingay ang boses. Mainit na, maingay pa sya kaya nakakainis. At eto pa, nung pumasok na kami sa seminar room, maliit lang yung room at dalawa lang ang electric fan. Imagine, dun lang kami sa loob mula ala-una hanggang alas-quatro ng hapon. Yung notes ko nga eh double purpose, sulatan na and at the same time ay pamaypay.
Ang masasabi ko lang, hindi rin masisisi ang mga participants kung konti lang ang ma-absorb nila sa discussion dahil hindi maaliwalas ang paligid. Yun lang.
Meron naman akong natutunan kahit papano. Family Planning is not only about “contraceptives” and having the right number of children. Part lang yun nung topic. Family Planning is about responsible parenting. Yung tipong, bago kayo lumagay sa tahimik, alam nyo na yung vision nyong mag-asawa. From the word planning, dapat alam nyo na kung ano yung S.M.A.R.T. na plano. Planong may patutunguhan at hindi puro pangarap lang. Gaya ng pagkakaroon ng sariling bahay, lupa, kotse, mapag-aral ang mga anak, ilang anak, arrangement nyong mag-asawa regarding pera or sweldo, pagtatrabaho, spiritual life nyo like parehas ba kayo ng paniniwala na dapat sabay nagsisimba at nagdarasal ang isang pamilya or okay lang na hindi? Na-realize ko na ang dami pa naming dapat pag-usapan ni Maries. It would take time para ma-discuss lahat pero at least malaking tulong rin ang naibigay ng seminar na ito.
Yung last speaker pala ay isang midwife. Okay naman yung discussion lalo na yung pagbibilang ng araw kung kelan pwedeng magbuntis at hindi ang isang babae. Eto pa ang cool sa discussion. Meron din palang ways para maging girl o boy ang ipagbubuntis mo. He he…Ayos.
At around 4:00 pm, natapos din ang mainit (literal) na discussion. Takbo agad kami ni Maries sa Miss na nagse-xerox. Ipina-xerox namin ang certificate at application form for marriage license at dali-dali kaming pumunta sa civil registry. Naghahabol narin kami sa oras dahil malapit nang mag-close ang opisina. Ang layo pa naman ng civil registry mula sa health department. Para ngang U.P campus ang QC Hall na tipong malalayo ang mga building. Pagdating dun, nagpa-notaryo pa kami sa halagang P100.00. Ipinasa ko sa window 10 thru Manong Edong ang mga requirements at sa wakas, ang sabi ni Manong Edong ay “ Balikan mo nalang ung Marriage License sa December 5”. Nakahinga kami ng maluwag dahil for pick-up na ung license after 10 days. Hay salamat.
Nung gabi, kita-kita with college friends sa Megamall. Nakita uli namin sina Cherry, Stanley at Grace. Daldal at kain to the max kami sa Congo Grill El Pueblo. Lahat ng kinain namin gaya ng sizzling pork sisig, hipon (gambas yata ang tawag dun), syempre rice samahan mo ng iced tea at green mango shake … lahat yun, treat ni Stanley. Na-promote kasi sya bilang manager at birthday nya sa November 26.
Nakakapagod ang araw na ito pero sobrang nabawasan kami ng tinik sa dibdib dahil dalawa nalang ang hihintayin namin bago kami bumalik sa church : ang marriage license at ang wedding banns.
Checklist:

Marriage License – December 5, 2005
Wedding Banns – December 14 & 15, 2005

0 Comments:
Post a Comment
<< Home