AnG iMbiTasyOn - 50% DoWnPaYmEnT
Matapos ang aming learning session sa office, hinimok ko si Mai na sumama sa akin para mag-order na ng invitation. Sinundo kami ni Maries sa TP bago kami dumeretso sa Recto. Hah! tagumpay ako. For the first time, naalala ko kung saan yung pwesto nung supplier. eh ako pa naman kasi si kalimot. he he! Dahil naging 100 pieces nalang yung ipapagawa namin, medyo nagtaas si John Rey ng presyo. Okay narin dahil nung ginawan nya kami ng sample without print, bale yung magiging itsura nung invitation, nagustuhan ko talaga. I'm glad na-appreciate din ni mai yung design. I gave him the complete list, kulang nalang pala yung pangalan nung isa kong ninang, babalik kami next sunday para tingnan yung lay-out at i-proof read lahat. Hopefully, 2 weeks from now, makakapag-schedule na'ko ng overnight sa amin with mai, pinks and vhalle para magdikit ng mga dried flowers sa invitation at tags para sa souvenirs and invitation.Yung twine nga pala na gagamitin for the cards were provided by john rey. Nung makita ko yun, nakahinga ako ng maliwag dahil hindi na'ko sisiksik sa kadulu-duluhan ng yangco sa divisoria. Nagbigay nalang kami ni Maries ng P50.00 sa kanya for the effort.
Medyo gumaan na naman ang load namin ng Honey ko. I hope na maging maganda ang kalabasan ng lahat. By last week of November, dapat ay nai-distribute ko na ang mga invitation.
Thanks to mai sa pagsama. Bago umuwi, kumain kami sa sizzling sa Blumenttrit. Masarap dun, bale yun yung unang kanto, right side, bago ka tumawid ng riles papunta sa blumenttritt station ng LRT. Next time, yayayain namin dun si pinks and the rest of the gang para kumain.
Checklist:
Invitation - 50% downpayment - November 12,2005

0 Comments:
Post a Comment
<< Home