Friday, November 18, 2005

MgA fLoWerS sA dAnGwA

Nag-email ako sa supplier ng flowers na ni-recommend ni Johnny from Hearts of Jesus & Mary Parish, pero hanggang ngayon, hindi parin sya nagrereply.

Ewan ko ba, siguro masyado lang talagang malakas itong instinct ni Billie (second time na ito. Naalala ko yung sa kumpil, sya rin yung tumulong sa akin). Sya ang nag-email sa akin regarding flowers kahapon. Kaya after ng mahabang palitan ng e-mail regarding schedule, na-finalize namin na ngayon na magpunta after office.

Since nasa pier 18 ako, pumunta pa ako ng TP para i-meet si Billie. Ang dami naming daldal nung nasa jeep palang. Naisingit pa nga si Benj sa usapan eh. He he…

Pagdating namin sa Dangwa, naglakad-lakad kami at tumingin-tingin lang muna. Para nga kaming naglalaro kasi tawid kami ng tawid mula sa kabilang kalye papunta sa kabila. In fairness, ang gaganda ng mga flowers. Pati nga yung poste hugis flower ang ilaw eh. We went to 3 different suppliers. Yung una, medyo masungit . Umabot sa 5k yung quotation nya. Yung pangalawa naman, okay sa customer service kaso ang bagal magsulat ng quotation. Na-compute na ni Billie lahat, pero si ate eh nagsusulat parin. He he. Umabot naman yun sa 5,300 pesos.

Yung last supplier, si Juanita, medyo masungit tingnan nung una. Nung nilapitan namin sya, hindi pala dun ang pwesto nya. May kinuha lang syang sandamakmak na red roses at tumawid sya sa kabilang kalye. Syempre, nakabuntot naman kaming dalawa sa kanya. Ang hirap palang pumili ng bulaklak lalo na pag ang alam mo lang ay roses, sampaguita, sunflower, gumamela at santan. He he. Ako kasi ganun. Buti nalang nandun si Billie para makipag-negotiate. So, umabot sa P4,350.00 ang quotation nya. Free delivery pa unlike sa naunang dalawang suppliers na may additional charges. Napanatag din yung kalooban ko nung sinabi nyang “Hindi kayo mapapahiya sa akin”. Sana nga talaga hindi. Ang sabi namin, ikokonsulta muna namin kay Maries. So, umalis na kami.

After canvassing, gutom na gutom na kami. Napagkasunduan naming kumain nalang sa Mc Donalds malapit sa UST. Ang lugar na isa sa mga kinakainan ni Billie nung nag-aaral pa sya. Since pareho kaming nagdi-diet, chicken nuggets lang and soft drinks ang kinain namin. Wow! For the first time, nakayanan kong kumain ng ganun lang. Napag-usapan rin namin si Juanita, yung 3rd supplier. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na sya. Mura yung flowers and free delivery pa.

Iko-convince ko si Maries na dun nalang kami kumuha. Wish ko lang maalala ko yung mga bulaklak na pinag-usapan namin at sana ay makabalik rin ako sa stall na. Parang ganito yata yung napag-usapan :

Bride – wedding bouquet - white roses & hydrangaea
- Throw-away bouquet – white roses

Maid of Honor /Secondary Sponsors/Bridesmaids – 3 white roses with 3 assorted colors of gerbera.
Mula sa iba’t ibang bouquet na pinlano namin, we came up with 19 bouquets na pare-pareho nalang ang style. Kasama na dito ang mga ninang at ang dalawang nanay.

Ninong / 2 Daddys – Rose buttoners ba o butoneirs?

Flower girls – 2 sets – headset and ala fairy wand na malaysian mums.

Bridal Car – Bahala na sila besides wala parin namang car. haaayyyy...


Para sa akin, pwede na ito. Maganda naman lahat ng flowers for me eh. Hindi naman ako pihikan basta ‘wag lang yung lanta. He he. Kapag napag-usapan na namin ni Maries, babalik ako sa kanya para magbigay ng down payment.

Highlights:

*Si Billie, tulips ang gusto para sa wedding nya. Ang sabi ko naman, okay lang. Ipasagot nya yung bayad sa asmira. He he…

Checklist:

Flowers –
Ma. Coleen Flower Shop c/o Juanita 4932712

4 Comments:

Blogger Beej said...

hydrangea yung flwer na kasama ng roses mo. sana tama yung shade ng blue na makuha. :)

November 22, 2005 1:55 PM  
Blogger maries & melody said...

sana nga tama. kung sabagay, kung hindi man maging tama yung kulay, basta blue,okay narin. kung maiba ng konti yung shade, ikaw nalang siguro ang makakapansin nun. he he...

November 23, 2005 8:09 AM  
Blogger benj said...

aba at na-extra pa ako talaga ah. ;) meg, gudlak po sa wedding preps. wag mo lang masyado isasama si beej at baka kung anu-ano maisip nyan. ;) jk. sige lang po, kung ano maitutulong namin, sabihin mo lang. :)

November 23, 2005 9:35 AM  
Blogger maries & melody said...

oo benj. talagang na-extra ka at marami kaming pinag-usapan tungkol sa'yo. he he. joke lang din. good things about you naman. salamat sa suporta ha. etong si billie, gusto ng tulips. la lang. nasabi ko lang. thanks uli.

November 23, 2005 5:45 PM  

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker