BaWaL MagKAsaKit!
Singhot! Singhot! Ubo-ubo-ubo! HAtching!
Yan ang gawain ko mula pa nung nakaraang linggo. Hay! ang hirap magkasakit dito. Bukod sa malaki na ang kaltas sa sweldo mo pag nag-absent ka, malaki rin ang halaga ng pagpapagamot. ABa, nung nagpacheck-up ako, 55 sing dollars ang siningil sakin.Kung sa bagay, kasama na ang antibiotics at iba pang mga gamot sa ganung halaga. Habang nag-eemote ako sa sakit ko, syempre si Maries ang taga-alaga ko. Super close kami nitong mga araw na ito kaya in just a few days ... sumisinghot at umuubo narin sya. Kawawa naman. Hindi ko sinasadyang mahawahan sya pero nagtataka lang ako, bakit si maries nung nagkasakit masigla parin at nakakapagtrabaho.Samantalang ako, parang may malubhang karamdaman ... gusto ko lang nakahiga lagi at nagpapahinga. O.A. noh! sipon lang naman at konting lagnat.
Eto pa, kahapon lang biglang humina ang pandinig ko at medyo makirot ang tenga ko kaya napilitan na naman akong magpa-check up. Ayun, 45 sing dollars naman ang siningil sakin kasama ng ear drops at antibiotics. Hay! Nahihiya na nga ako kay maries. Napakasakitin ko talaga. Pero sa lahat ng yan, ito ang isa sa pinakamalungkot na katotohanan ... sa kabila ng pagkakasakit eh isang nakakagulat na 56.8 kilos na ang timbang ko! So ibig sabihin nun, 1.8 kilos ang nadagdag sakin mula nung nagpunta ako dito sa singapore.
Habang tinatype ko ito, sumisinghot parin ako. Sana, maging malakas na ako gaya ni joan (duan), medyo pumayat narin ako gaya ni kateh at maging masigla na uli ako gaya ni ms. chabs...ay pero wag naman masyadong hyper... yung tama lang.

3 Comments:
haller mega buddy! wala lang, naglinis kasi ako ng table natin s apier 18 dati at NAKITA KO! and username at password sa blog, kaya HETO, NAKAKAPAG BLOG na ko ulit : )di ko nga lang sure kung kelan mo to mababasa dahil medyo matagal tagal na huli mong post " )
hello madz! musta na ikaw? alam mo ba may nakita akong kahawig ni virnel dito, nakatalikod nga lang at may kasamang iba. huwaat? isusumbong ko na sana kaso hindi pala si virnel. whew! kinabahan ako dun. hehe. miss you na. ingat ka lagi ha. mwah mwah.
ei, lam mo ba si caren sablan, papunta din dyan singapore, nabanggit ko nga na nandyan kayo, tanong nya san kayo banda, syempre di ko alam ang sagot! he he maganda din opportunity nila dyan ng hubby nya, swerte nga e : ) buti naman nabasa mo comment ko he he, at buti na lang din nakita ko pa access code ko sa blog.Nakakwentuha mo pa ba mga sis natin? si my cic sup na (di ko alam kung nakakatuwa o nakakaiyak he he, pero ok na din) si pink Roro na sup na din.
Post a Comment
<< Home