Kahit na Friday palang, feeling ko rest day na. Sobrang saya ng feeling ko dahil ito na ang simula ng katuparan ng mahabang pagpaplano namin ng honey ko for our wedding.
Umaga: I went to my honey's house in Tondo.We were supposed to meet in Tayuman Jollibee but he changed his mind.Punta nalang daw ako sa house nila.At around 8:30 am,nandun na'ko.Aba! ang honey ko, sobrang relax at hindi pa naliligo.He gave me a list at sabi nya "tawagan mo habang naliligo ako". Okay fine. Listahan pala ng mga simbahan at reception venue yun. Mga 4 or 5 na church yata yung nasa list pero isa lang ang natawagan ko na may sumagot sa phone.Sa reception venue naman,hindi ko na tinawagan yung mga hotel kasi mukhang mapapagastos pa kami ng husto dun.
Kumain din ako ng breakfast sa kanila - Kaldereta, sinangag at mainit na kape. Sarap!
Around 10:45am: We went to Santos Protraits in Tondo. Hindi sya kasama sa plan kaya medyo nagulat ako. Natuwa narin kasi may effort ang honey ko. It's an old studio. Yung tipong may mga toreng kulay puti at mga bulaklak na parang kapanahunan pa ni samson at delilah. he he he.May malaking aquarium sa gilid ng studio at maraming malalaking frames na nakasabit sa pader. Ano ito, Musuem? So umupo muna kami at pinaghintay nung miss. sanadali lang daw at tatawagin nya yung may ari. 25 to 30 minutes na, nakaupo parin kami. Nakakatulog na nga si Maries eh. he he. Naliligo pa pala yung may ari. She's an old woman pero in fairness, mabait sya.Binigyan nya kami ng photo-video package copy tapos umalis na kami. Sa mga nakita naming pictures, parehas kami ni Maries ng opinyon. "Hon, hanap nalang tayo ng iba."
At about 11-11:30am, nakarating na kami sa west avenue. Bumaba kami sa tapat ng Aberdeen court.Hay naku! ang hirap palang magahanap lalo na kung bago ka sa isang lugar.Hinanap namin yung "Parish of the Hearts of Mary & Jesus".Ummambon pa, buti nalang kahit pagod kami eh busog kami sa C2 at tinapay c/o mini stop.Sa haba ng nilakad namin, yung manong lang pala na nagtitinda ng sigarilyo ang makakatulong sa'min.Sabi ni manong "Diretsuhin nyo ito (sabay turo sa kalye).Dun sa pangalawang kanto,kkumanan kayo tapos hanapin nyo yung basketball court,malapit na yun dun." O diba! siguro nagsisimba si manong dun. Pumasok kami sa isang mala-village na maraming malaaking bahay at magagandang halaman.Nung makita namin yung basketball court,napangiti kaming dalawa.Sa wakas! Sabi ko pa "Hon,dahan-dahan (ang paglakad)" Syempre para medyo dramatic ang dating. he he.
When we saw the church, i said "Wow! Luma!". Sa totoo lang, ang ganda at ang simple lang nung church. Nung pumasok kami, napansin ko na maigsi lang yung aisle. (so medyo hindi ako masyadong makakapag-moment dun). Pero maganda talaga sya. Sabi nga ni Maries "talagang makikita mo agad kung sinu-sino yung mga dumalo dahil maliit lang yung church". After saying our prayers, we went to the church's office.Medyo hindi ganun ka-accommodating yung guy pero at least pinakita nya sa amin yung mga pictures nung church pag naka-set for wedding. Ang ganda nung setting na puro white flowers ang nasa paligid. Both of us liked it. Bago kami umalis, binigyan kami nung guy ng form. Nandun na yung mga requirements at yung wedding package. Medyo malakas na yung ulan pero since excited kaming dalawa, hala sige ... picture dito at picture don ang ginawa namin. Kinunan ni maries ang loob at labas ng church. Grabe na 'to! Gusto na namin ni Maries yung Church...babalik kami dun.

At around 12nn: Lakad kami ng lakad. Hinahanap kasi namin yung Shangrila Restaurant. Sobrang pagod na kami at ang layo na ng nilakad namin kaya naisipan na naming mag-taxi nalang. Buti nalang alam ni manong driver yun. asus! habang papunta kami sa shangrila, we realized na binabalikan namin yung nilakaran namin. so sa opposite direction kami naglakad ng sobrang layo kanina.
Sa labas ng Shangrila restaurant, ang daming live fish. Ang cute. Sa loob naman, malalaki rin yung aquarium na nakapaligid. Sobrang accommodating yung guy na kumausap sa amin at tumingin din ako ng mga pictures ng mga cakes.
Isa lang ang masasabi ko, napakaswerte namin ngayon dahil nakita na agad namin yung church at reception venue na gusto namin. I'm sure, babalik kami dito for reservation.
CHURCH : Hearts of Mary and Jesus Parish
RECEPTION : Shangrila Restaurant