Monday, November 21, 2005

PrE-nUpTiAL PhOtO ShOoT aT BA StUdiO & WiLd LiFe Q.C.

Nagkita kami ni Maries sa dati naming meeting place – Jollibee Tayuman. Buti nalang late sya kaya naisulat ko na yung ibang kokopyahin ko para itransfer dito sa babs inc. After kong tunggain yung huling hot choco na medyo malamig na, umalis kami kaagad papunta sa Recto.

Pagdating sa Recto, dun sa Niño’s print haus, naghintay pa kami ng konti kay Sister John Rey, ang nag-aasikaso ng invitation namin. Ang nakakatuwang bading ay nagbayad pa pala sa meralco. Padating namin, ako naman ang bumawi sa kanya. Sabi ko “ Bakit ngayon ka lang?” he he… Medyo napatitig ang lola mo paano iniisip nya siguro kung may pending pa ba sya sa amin. Inunahan na namin sya. Binigay namin yung sample nung invitation na gagayahin nya yung size nung pagkakatupi. Saka nakahinga ng maluwag si John Rey. Sabi nya” Akala ko may gagawin pa tayo..napaisip tuloy ako”. he he. So umalis na kami agad at babalik kami sa Wednesday to check yung final lay-out. For printing na kasi yung invitation sa Friday para makapag-schedule na ako ng overnight.

Nakapag-print narin ako ng thank you cards na isasama sa souvenir. Nagustuhan ni Maries. Ang gagamitin kong board paper ay yung plain yellowish white kasi hindi sya bagay dun sa kulay blue na printed with leaves.

Sunod naming pinuntahan ay ang BA Studio. Around 9:20am ay nandun na kami kaso isa pa lang ang tao sa studio. Matagal bago dumating si LT, ang aming official photographer. Si Maries nga natulog na sa kinauupuan nya. Kung sabagay, what’s new? Eh lagi namang natutulog yun basta may pagkakataon. Nung dumating na si LT, si Arthur naman ang wala pa. Si Arthur ang aking make-up artist. Na-delay sya ng dating dahil sobrang traffic daw. In short, around 11:00am na ako naayusan. Ang ganda ng pagkakaayos nya. Itinaas nya yung hair ko. Nung una nga, parang hindi ko feel na may nakalaylay na hair sa noo ko pero nung pinag-compare namin yung sobrang nakataas na hair, mas nagmumukha akong payat dun sa nauna nyang ayos. Ito daw ang iaayos nya sa akin kung kukunin ko syang make-up artist sa wedding ko.

Image hosted by Photobucket.com

Si Maries ... Tulog na naman.
Image hosted by Photobucket.com
Syempre ako, nagpapacute habang wala pa sila.

Eto pa ang nakakatawa. Habang inaayusan nya ako, nasa kabilang side naman ay nag-aayusan din ng hair ang mga makukulit na photographers na sina Belinda, LT at yung isang girl na hindi ko na natanong yung name. He he… Wala lang, nakialam narin sila ng gamit ni Arthur at salitan sila sa pagpaplantsa ng hair. Ang kulet.

Dalawa ang naging outfit namin ni Maries. Yung una, wedding gown na provided ng studio, medyo may net pa nga yun nung una sa may taas ng dibdib. Ang pangit ng effect kaya napagkaisahan naming gupitin ang upper part ng gown para mas maganda tingnan. I hope wag magalit yung may-ari. He he…Si Maries naman ay naka-black suit. Walang kahirap-hirap samantalang ako, sikip na sikip sa manggas dahil nagpupumutok ang braso ko. Yung pangalawang attire namin ay casual. Naka-blue blouse ako (my graduation blouse) and khaki pants courtesy of Ellen. Si Maries naman ay naka-blue polo and khaki pants.

Masasabi kong very professional si LT kasi hindi sya nawawalan ng ipapagawa sa amin. She also knows pag hindi na masyadong maganda. Sinasabi nya “Sir, hindi na po kayo nakangiti” or “Ma’am relax lang po kayo” or “Sir, wag po masyadong ngumiti, nawawala na po yung mata nyo” he he… Ang dami pa naming props sa studio. May duyan, hagdan na pwedeng pagbalibaligtarin, upuan na maliit at mala-cleopatra chair at ang da best ay ang mga back drop nila. Meron pa dun na parang sa meteor garden na puro flowers at stars.

Bago pala kami mag-casual wear, inayusan uli ako ni Arthur. Syempre yung pang-casual naman. Ang ganda nung spray net nya, suave spray net. After gamitin, pwede mong suklayin ang hair mo ng walang masyadong aray. Kinulot naman nya yung dulo ng hair ko.

After sa studio, around 2:30pm, kumain muna kami ni Maries sa Golden Fortune. Ang tagal naming pumili ng kakainin kasi pilit naming inaalala yung nakalagay sa malaking bowl na pinakain nila moby at kateh. Yung kulay brown na ulam. Fortunately, nahanap din namin at yun ang inorder namin. Nakalimutan ko uli kung anong tawag dun. Wala nga lang mango shake dahil sira ang blender. Sayang.

At 3:20pm, balik studio na kami. Sumakay kami ng taxi : ako, honey ko, LT and Arthur. Instead of Baywalk, we decided to go to Wild Life in Quezon City. Mas marami kasing magagandang tanawin dun. Dahil pagod kaming lahat, lahat kami ay nakaidlip sa byahe. Sa tabi ng driver si LT, sa likod ng driver si Maries, ako sa gitna at sa right side ko si Arthur na may bitbit na big red maleta. As in literal na giant kikay kit.

At Wild Life, we paid P8.00 entrance fee for each pax and bago ang picture taking, nagmake-up uli ako. Medyo iniba ni Arthur yung kulay ng eye shadow ko and sinuklay nya yung hair ko dahil hindi narin kulot yung kinulot nya kanina.

Para kaming nasa isang malaking studio. Lakad dito, lakad duon. Pose dito, Pose doon ang drama namin. Meron pa nga kaming nakitang couple na may kasama ring photographer. Nakakapagod maglakad pero sulit talaga. Ang pinaka-gusto kong shot ay yung sa tulay. Medyo palubog narin kasi ang araw kaya iba ang lighting effect. Pinaupo ako sa parang maliit na post tapos si Maries naman ay nakatayo sa harap ko. Pinag-nose to nose kami. Naka-ilang shots din kami. Sabi ko nga, siguro silhouette yung effect nun. May part pa na nag-bend ako at naka-alalay naman si Maries habang kini-kiss nya ako. Parang sa ballroom dancing, yung final step na magkakapit kamay yung partners tapos biglang liliyad ala pilita corales yung girl. Tapos, magki-kiss. Nakakangalay ha pero feel na feel ko (ang sakit ng likod ko).

Past 5:00pm, tapos na yung photo shoot. Pinakita ni LT sa camera nya yung mga shots and we loved it. Nag-exceed sya sa expectations ko and we’re really happy with the results. Sa amin na lahat ng mga pictures since it will be stored in a cd. Mamimili lang kami ng 20 pieces pre-nup pictures para ilagay sa guestbook. Babalik kami sa BA Studio by Monday, Novemebr 28, 2005 to get the cd and choose 20 pictures.

I hope na maging maganda rin yung pictures ni LT sa wedding. Then si Arthur naman, dahil sobrang maasikaso at magaling, sya na ang kukunin ko for my wedding. Iba talaga ang nagagawa ng customer service.

Nung pauwi na, nag kanya-kanya na kami ng uwi. Nag – FX si LT at Arthur, kami naman ni Maries ay pumunta pa sa SM Fairview para magmeryenda. Sumubok uli kaming maghanap ng pakpak ng fairy para sa mga flower girls pero wala kaming nahanap. So, sa divisoria na nga lang talaga.


Highlights:

*Habang nakasakay kami ng jeep papuntang BA, may ale na sumakay na may bitbit na mga pakpak ng fairies. Tinanong namin kung saan sya nakabili, sabi nya nagtitinda daw sya nung pakpak sa Yangco. Sa may Tabora. Ang galling naman ng pagkakataon. Pupunta ako dun with friends some other time. I consider this as God’s way of helping us dahil nahihirapan na talaga kaming maghanap ng wings for the flower girls. Ang galing noh.

*Yung printing ng excess na wedding pictures if ever dun magpapa-print ay P6.00 ang isa.

*Dahil satisfied ako sa service ni Arthur, kukunin ko na syang official hair & make-up artist ko sa wedding.

*Sabi ni Maries nung umaga, sana raw ay sinama ko si mai para nakanood din. Pwede naman daw isama yun kahit saan. Sakto namang nag-text itong si Mai bandang hapon nung nasa wildlife na kami at nangangamusta. (ano yun, friend’s instinct?)

Checklist:

Hair & Make-up – Arthur 9403417

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker