TReS pREgNaNCy TeST
Legend :
I I (two lines) - POSITIVE
I ( one line) - NEGATIVE
Last January 10, habang nasa trabaho ako, nasabi ko sa sarili ko "Aba! mukhang five days na yata akong delayed ha. Kakaiba na'to. Makabili nga ng preg test mamyang lunchbreak... Kung negative e di okay lang, kung positive e di masaya"
Lunch time, bumili ako ng pinakamurang preg test sa Guardian at sinubukan ko agad. "Huh! two lines?" Ang lakas ng kaba ko kasi sabi pa dun sa box "99% Accurate" ... pero hindi parin ako ganun ka convinced dahil mura lang yung preg test kit. Baka deffective lang yung nabili ko.
Hindi ako makuntento sa nakita ko kaya pumunta naman ako ng Watson's para bumili uli ng mas mahal na preg test.Ilang minuto akong nagtagal sa banyo pero siguro sa nerbyos narin ay hindi ako ma-jingle bells. Kinailangan ko pang uminom ng isang bote ng mineral water at maglakad-lakad para lang ma-jingle uli.So eto na naman, sa C.R. inaaway ko na naman ang panibagong preg test kit "two lines ba'to? or one line plus isang malabong line?! Medyo nalungkot ako this time kasi feeling ko hindi consistent ang mga results. Since tapos narin naman ang lunchbreak ko, wala nang time para mag-emote sa banyo kaya lumabas na'ko agad at dumeretso sa trabaho.
Hindi parin ako mapakali pagdating sa work kaya tinawag ko ang isa kong ka-trabaho, si Dion ...
Ako: Uy..tingnan mo naman yung mga preg test ko.hindi ko sure kung buntis ako oh ano...
Dion: Ilang lines ba? Pag two lines buntis ka ...patingin .. (nanlalaki ang matang tinitigan ang dalawang preg test)
.... Ay Mel! Buntis Ka!!!! Ayyyy! Naku sigurado yan buntis ka!
Ako: Pero malabo yung isang line eh..
Dion: Hay naku, kabisado ko na yan, kahit malabo yan, two lines parin yan! Naku Buntis ka talaga! Oh! Huwag ka na masyadong kumilos ... eto ang mga files, mag paper works ka nalang ...
Aba! at hindi pa nakuntento ang lola mo.Sa sobrang kagalakan ay ipinamalita na agad sa buong madla..part-timers man o full-timers ... "Hey! Hey! Melody is pregnant!!!"
Sobrang nakakahiya talaga pero mixed emotions kasi eh. Hindi ko pa kasi alam kung totoo o hindi kaya kapag may nagco-congratulate sa'kin, sinasabi ko nalang "Thanks! ... but I'm not yet sure about it.. (showbiz!)"
Sa gitna ng lahat ng ito, tinawagan ko si Maries sa cellphone ..
Ako: Honey.. honey ... buntis yata ako. Kasi nag preg test ako kanina tapos two lines! Ewan ko lang pero sana ..
Maries: Ha?! Talaga?! (hindi ko alam kung naiiyak, natatawa o naeebs) Mas mabuti ipa-check up natin bukas para sigurado ...
Dion: (Parang echo na nakikisingit sa usapan) Hay naku Mel! Sure na yan! buntis ka!
Ako: Naku Dion, pag nagkatotoo yang sinasabi mo talagang matutuwa ako sa'yo.
Dion: Pag nagkatotoo na buntis ka, isa lang ang hihilingin ko sa'yo...Ihanap mo ako ng bagong trabaho.. ( NYARR!!!)
Ngayon ko lang naranasan yung sobrang pagkainip sa trabaho na sa bawat minuto, tinitingnan ko yung relo at bumubulong na .."sana uwian na..." Gusto ko nang makita at makasama si Maries. Alas diez y media ng gabi, uwian na! So habang naglalakad ako pauwi, dumaan muna ako sa Seven-Eleven para bumili "na naman" ng preg test.Pagdating sa bahay, normal lang yung reaction naming mag-asawa dahil ayaw rin naming mag-expect.Inilabas ko ang pangtlo at huling preg test at sinubukan sa banyo...
Ako: Hon! Hon! Halika tingnan mo yung result ..
Maries: Ayoko .. Kinakabahan ako ... (hehe)
At sabay naming nakita ang "positive sign". Nakangiti kami pareho na parang lasing sa kagalakan. Hawak kamay. Bukas, magpapacheck-up ako sa doktor at dun namin malalaman kung ano talaga. Pero yun yung gabi naming mag-asawa na puno ng kaba, pag-asa, dasal, pangarap ... lahat na yata naisip na namin hanggang sa makatulog na kami.

5 Comments:
wow! naluluha naman ako sa tuwa habang binabasa ito.
mag ingat ka ha. ;)alagaan mo ng mabuti ang sarili mo.
mwah!
te ganyan din po yung saken nag pregnancy test ako tapos mejo malabo po yung isang line ndi pa po ulet ako nag try na mag pt ulet kase natatakot ako sa resulta na baka mag negative
Hi gud evening sa akin dn hindi aq nregla buwan nang june tapos nag P.T aq positive dn nung july may lumabas na dugo sa aking hanggang august.9 tapos na p.T pa dn aq positive xa pro malabo ang isang line...Anu ba tlga bntis ba ako.?
Ganyang din result sakin malabo yun isa.posible po ba un na positive?
Firstime after 7 years
Patulong nman poh,, first time kupoh gumamit ng pregnancy test tapus,Ang result dalawa pero malabo yung second line,,tapus 2 months na akung delayed pero every month ako nireregla kaso deh tumotugma sa petsa ang means ko pero buwan-buwan nman dalaw ko e.hmm pa'help nman poh,,Kung Paano malalaman na buntis talaga ako,or Hindi??
Post a Comment
<< Home