BuLaKLak , PaKpAk At LaRaWaNg hiNdi KuPas
Hindi masyadong maaga ang pagkikita namin ni Maries kaya nagkaroon ppa ako ng time na i-print ang mga gusto kong flower arrangement sa wedding mula bridal bouquet, entourage at flower girls.
Sinundo ko sya sa office at una naming pinuntahan ang Quiapo since walking distance nalang naman iyon mula sa office niya. Nung una, wala talaga kaming makitang fairy wings pero nung makarating kami sa mga stalls malapit sa palengke at ilalim ng tulay na puro tindahan ng handicrafts, hah! merong wings! Dun lang pala nakakabili nun sa tindahan ng mga costumes. Bumili kami nang blue wings na 2 pieces sa halagang P 100.00 each.
Pagkatapos ay pumunta kami sa dangwa at nagpareserve na kay ms juanita. Ibinigay ko na yung pictures nung flowers at pinakitaan nya rin ako ng sample ng hydrangea. Oks naman yung shade ng blue and i think okay na yun. Yung bridal bouquet nga pala ay si bilo ang namili nung style.Bago kami umalis, binigyan ako ni ms juanita ng more than 16 pieces na red roses dahil nabanggit ko na birthday ko bukas. How sweet!
We went to goldilocks dahil bumili kami ng cake para kay LT at ms nelia ng BA Studio. Natuwa kasi kami sa service nila. Unfortunately, may sakit si LT at wala naman din sa studio si ms nelia kaya ibinigay nalang din namin yung cake sa kasamahan nya. Ibinigay na sa amin yunng CD proof nung pre-nuptial photo shoot namin. Kailangan naming pumili ng 20 shots para isama sa guestbook namin. Since sira ang pc nila, dun ko nalang tiningnan yung mga pictures sa bahay nila Maries. Ang daming magagandang shots and satisfied talaga kami. Si Maries nalang siiguro ang magbabalik nung 20 shots na napili namin kasi nahihiya na'ko mag-file ng leave sa office eh.
Eto yung ilan sa mga pre-nuptial pictures namin :
Taken at BA Studio. Yung last naman, sa Wild Life, Quezon City




1 Comments:
fave ko pa rin ung isang picture na nakaputi kayo pareho. :) iba talaga ang nagagawa ng make up sa iyo meg. hehehe... :)
Post a Comment
<< Home