Sunday, October 19, 2008

BaGoNg YuGTO Ng BuHaY NaMiN

Sa tuwing tinitingnan namin si baby jonas, napapangiti kami ni maries. Maging ako, hindi parin makapaniwala na mga magulang na kami. Dati nung buntis palang ako tinitingnan ko lang yung mga baru-baruan na binili namin para kay baby. Sabi ko pa, ang cute naman ng mga mittens at robe ni pepe (former nickname ni jonas nung nasa tiyan ko pa sya). Tapos ang lakas ng kaba ko, yung tipong magkahalong tuwa, excitement at nerbiyos narin dahil syempre karamihan naman yata sa mga buntis hindi matahimik hangga't hindi pa lumalabas at hindi pa nila nakikita ng aktwal yung bata. Anyway, ang dami rin naming narerealize ngayong kapiling na namin si jonas at isa lang ang masasabi ko, hindi pala ganun kadaling magkaanak. Nag-aadjust parin kami sa maraming bagay. Si maries natututo nang mag-ayos ng sarili nyang gamit pang-opisina, kumain mag-isa, tumanggap ng mga delayed reply ko sa text messages nya, matulog ng wala munang kayakap nang matagal, in short ... mag-solo! Lahat yan ay dahil sa busy ako sa pag-aasikaso kay bulilit. Kailangan oras-oras akong libre para magpa-breastfeed dahil oras-oras nagigising sya. Kung minsan nga, bago ko pa sya mapag-burp habang karga ko (kailangan ito para hindi kabagan at lumungad ng marami si baby), inabot na kami ng treinta minuto tapos pagkalapag ko sa kanya sa crib, ilang minuto lang iiyak na uli para dumede. Noong mga nakaraang linggo, ang sakit talaga ng katawan ko sa puyat at sa pagpapa-breastfeed. Para akong lalagnatin. Ngayon medyo nasasanay na. Malaki pala talaga ang nagiging epekto ng pagkakaroon ng baby sa relationship ng mag-asawa. I'm glad hindi ganoon kakitid ang isip ni maries gaya ng mga napapanood ko sa t.v. Yung mga daddy na pinagseselosan ang mga anak. Kahit nga pagod sya sa trabaho, minsan sinasamahan nya ako sa pagpupuyat... yun nga lang ako hawak ko si jonas, sya ang hawak nya yung psp nya. Nga pala, hindi lang si maries ang hindi ko napapagtuunan ng panahon ngayon, pati rin ang sarili ko. Mahilig kasi akong magsuklay, mag-ayos, mag-powder etc. pero ngayon, laging nakaipit ang hair ko na kung minsan ay hindi pa nasusuklay, kadalasang basa ang damit ko dahil sa leak ng milk, at marami pang mga kaartehan ko sa katawan ang medyo naisantabi ko muna.
Sabi nila, mabilis lang naman daw ang pagiging baby ni jonas kaya i-treasure daw namin ang bawat moment. Naniniwala kami dun kaya lalo rin kaming nagsusumikap na makapag-adjust bilang mga magulang at bilang mag-asawa. Alam ko na imposibleng hindi namin makayanan ito dahil yung lola ko nga, naka-pitong supling pero naka-survive! (single parent pa yun at labandera ang hanapbuhay). Bakit naman yung iba diyan, kambal pa ang mga anak pero okay naman sila. Salamat nalang talaga at mabait ang mga in-laws ko. Laging handang tumulong lalo na pag nade-drain na ang energy ko for the day. Sa December, magtatrabaho na uli ako, how ironic, dati rati tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang mag-stay para alagaan full-time si jonas... ngayon naman tinatanong ko kung kaya ko bang makapagtrabaho at iwanan muna si jonas sa iba? Parang hindi ko naman ma-imagine na hindi ko kasama si jonas. Well, para kay jonas, kakayanin naming mag-adjust. Pasasaan ba at magiging balanse rin ang pagiging magulang at pagiging mag-asawa namin... Pasasan ba at babalikan nalang namin nila maries at baby jonas ang mga pangyayaring ito balang araw at mapapangiti nalang.

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker