Sunday, November 06, 2005

inViTaTiOn aT MgA GoWnS

Today is our 7th year and 5th month anniversary.Nakakahiya dahil nakalimutan ko iyon sa sobrang pagiging busy ko sa pagaasikaso ng lahat. HOney ko pa yung nagpaalala sa akin.

Akala ko mag-isa lang akong maglalakbay ngayon. Hah! buti nalang nahimok ko ang aking bestfriend valerie na sumama sa mga lakad ko today. sobrang dami nga aming daldal mula sasakyan hanggang sa paglalakad kaya tuloy mula isetann hanggang divisoria ay nakuha rin naming lakarin ng walang reklamo.he he!

Sobrang natuwa kami dahil tatlong invitation suppliers palang yung napuntahan namin pero nakita na namin agad ang gusto ko at sa tamang presyo.

Concept: 1-page invitation na naka-fold lang sa tatlo, sinamai ang cover, may dried flower na ididikit sa labas at merong nakasabit na tag sa labas din to know kung para kanino yung invitation.

From P30 per piece ay naging sobrang baba pa nya. Yung nga lang, dahil makiling paper ang gamit (yung mukhang recycled paper), wala nang picture at hindi naka-emboss yung details dahil masusunog daw yung papel during printing.Kami rin pala yung bibili ng flower at card.

Sobrang excited na nga kami ni vhalle na makita yung finish product eh. kailangan ko munang kompletuhin yung list ng entourage bago ako mag-order. Natuwa rin ako dahil sobrang cool si John Rey. sya yung nandun sa pagawaan ng invitation. sabi pa nya "babalik ka ha. pag hindi ka bumalik, magiging kamukha kita." he he.

After nito, nakarating kami ni vhalle sa Yangco malapit sa KP tower para lang bumili ng dried flowers at leaves na gagamtin sa invitation. Nakabili kami nun sa Pasillo B # 54 pero for sure, hindi ko na alam uli kung papaano makarating dun. ang laki kaya ng divisoria.

Sobrang napagod kami kaya nagpadyak nalang kami mula divisoria hanggang sa office ng honey ko. umabot ng P60.00 yung pamasahe pero okay narin yun kaysa maglakad.

Mga bandang 4:30 pm, nagkita-kits kami nila nanay, daddy, mae , ako, vhalle at maries sa tutuban national bookstore para mag-canvass ng gowns. Sobrang na-touch ako dahil kahit na nakakapagod maglakad, talagang todo suporta parin ang aking future family.Marami kaming napagtanungan pero mahal ang presyo.
Sa huli, napagdessyunan namin a magpatahi nalang ng gown kay ate fe na malapit lang din sa amin. ni-refer sya ni vhal.
Highlights:
*nagpunta rin kami kay ate rosie nung umaga para nga magtanong kung magkano ang magpatahi sa kanya. sobrang baba nung price pero wala kasi kaming makitang sample kaya kay ate fe nalang kami.
*nag-lunch kami ni vhal sa isetann sizzling.
*kumain kaming anim ng dinner sa Max tutuban branch.
*sa goldilocks tutuban, nakakita narin kami ni maries ng design ng cake na gusto namin. semi-fondant sya pero maganda. ang tawag sa design ay "true love" pero ang ordering pala ng cake ay 3weeks before the wedding at sa quezon city nalang daw kami mag-order. as much as possible, yung malapit sa church.
*magpapasukat na'ko ng damit kay ate fe at sa kasama nyang mananahi sa sunday ng umaga, november 13,2005.
Checklist:
INVITATION - John Rey 7343031
GOWNS - Ate Fe 9376580
CAKE - Goldilocks "True Love"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker