Saturday, December 23, 2006

HeLLO SingaPORE

Habang papalapag palang yung eroplano, iniisip ko kung pano ko yayakapin si Maries. Tatakbo ba ako palapit o dahan dahan na mala telenobela. Hehe. Habang iniisip ko yun napapaiyak na'ko kasi gustung gusto ko na syang makita. Lumapag yung eroplano ng past 12midnyt. So madaling araw narin ng Dec 20. Malakas pa ang ulan pero may payong naman na ni-provide ang budget terminal. Akala ko nga giveaway, hindi pala, isosoli rin. hehe.

Bago lumabas, pipila pa sa immigration. Medyo kampante naman ako dahil wala naman akong illegal na transaction. So eto yung mga tanong sa'kin:

Immigration: Why are u here?
Ako: I'm here to spend holiday with my husband and sister-in-law.
Immigration: How much money do you have?
Ako: Three Thousand Pesos
Immigration: Come with me ...
(Kinabahan ako ... pero cool parin kasi ... malamig sa airport)

Dinala nya ako sa room na mala-aquarium ang dating kasi glass yung door at yung isang pader (for viewing purposes siguro ) Yung Room parang Bacolod Room na pinalaki. Pagpasok ko, ang daming pilipinong nakaupo. 15 na pilipina at anim na seaman. Hindi nga normal yung scenario kasi tipikal sa pinoy ang madadaldal pero nung time na yun, tahimik lahat. Shaks! as in nagtititigan lang kami. Hindi namin alam kung bakit kami ni-hold. Eto pa, yung glass door, naka-lock. Yung lock na nabubuksan lang pag may pinasok kang code or combination ng numbers. Ako, nag-aalala dahil baka hinihintay na'ko ni maries sa labas kanina pa. Wala nang battery yung cellphone ko buti nalang dinala ko yung isang cellphone na pinahiram ni bilo. Pagkabukas ko nung cellphone ni bilo, may natitira pang battery kaya naitext ko si Maries na ni-hold nga ako ng immigration. Tinext nya sakin yung address na tutuluyan namin baka raw sakaling tanungin.

Nung sumilip yung officer at tinawag yung pangalan ko, dinala ako sa isang room na parang may ATM machine. Nakakahiya man pero dahil likas akong malakas mag-comment, sabi ko pa " wow! hightech" Hehe. Imagine, kukuhanin yung thumbmark ko ng walang tintang masasayang. Idinikit yung daliri ko sa sensor tapos nakita ko na sa screen yung thumbmark ko. Tapos binalik uli ako sa aquarium. So, as usual, nagtititigan at nagbubulungan na naman kami ng mga kasama kong pinoy. May hidden cam din pala akong nakita ... in that case, hindi na sya hidden.

Nung sumilip uli yung officer at tinawag uli yung pangalan ko, lumabas kami ng aquarium at pumunta na kami sa immigration area and in fairness, nag-shift na yung character nung officer, naka-smile na sya and sabi nya " hello! so you're spending holiday with your husband?" Sabi ko "Yes" Sabi nya "So is he waiting outside?" Sabi ko "Yes" Sabi nya " Where will you stay?" Buti nalang tinext ni maries yung address kanina kaya nilabas ko yung cellphone ni bilo at kinopya yung address. Tapos, may sinabi sya sa kasama nya at may inencode sila sa system at nakalabas na'ko. Sa wakas.

Yung maleta ko na hiniram ko pa kay joan at yung isa kong makulay na bag ay malamang nagrereklamo na kung nakakapagsalita lang dahil nahilo na sila sa kakaikot. Hehe.


Malayo palang kumakaway na si Maries at si Mae. Grabe bumalik uli yung energy ko. Nung nagkalapit na kami, binigyan ako ni maries ng isang set ng galaxy chocolates. Wow Paborito! Kinuha nila mae (sister-in-law ko) at rowell (kasama nila sa condo) yung bag ko. Niyakap ko ng mahigpit si maries. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na sya. Ang payat ng Honey ko. Sabi ko pa habang umiiyak "Honey ang payat mo... kung hindi lang kita kilala, iisipin ko may dyabetis ka... "

Simula na to ng adventures namin ni maries sa singapore ... sa taxi, habang umuulan ay masaya nalang naming binalikan yung experience ko sa immigration. Ang mahalaga, magkasama na kami ni Maries.

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker