Sunday, October 30, 2005

aNg PaMaMaNhiKaN

Umaga palang, excited na kami. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagtext sa Honey ko para lang itanong kung ilan silang darating at kung anong oras. Estimated arrival is 7pm, medyo late na kasi nag-duty pa si Maries sa office until 3pm eh.

At around 5:30pm, aba! ang lolo mo, nagtext na at nagsabing malapit na raw sila sa amin. Syempre, hindi na ako mapakali.Ayos dito, ayos don, powder, suklay, kulang nalang magpa-parlor.

Nung naramdaman ko na nasa gate na sila, lumabas ako dala ang payong. Medyo umaambon kasi nun. Bale anim silang lahat : si nanay,daddy,mae,tita gina,tita tess at si maries.

Nakakatense pala. Hindi ko alam kung ano ang ihahain ko o kung papaano ko sila ieentertainin. buti nalang nandyan si daddy at mama kaya hindi na naging problema ang pagluluto sa mga ulam (beefsteak, hipon na may ketchup at sinigang sa miso). may dala rin sila maries na palabok, relyenong bangus at sapin-sapin na paborito ko.

Una, sobrang tahimik. Siguro mga ilang minuto rin or oras yata bago formal na nag-usap ang dalawang partido. Ang daming napagusapan and part narin nun yung pagdedecide kung kelan ang kasal. originally kasi, march 6 ang plano kaso dahil nga kino-consider din namin yung pag-alis ng daddy ko papuntang ibang bansa sa january, eh na-move ng mas maaga.

January 7 ang napagkasunduan, mas maaga ito bago ang fiesta ng tondo dahil kung isasabay namin ito sa fiesta, tiyak na walang pupunta. he he. taga-tondo kasi yung karamihan sa iimbitahin ng side ng honey ko.

Highlights :

si lola mantakin mo ba namang nasa sulok lang at naka-smile lang. Hindi kapani-paniwala pero behave sya. As she promised, hindi sya magbubunganga gaya ng lagi nyang ginagawa. he he..

si bilo ay kumain sa mesa kasama ang 5 members ng family ni maries. anim lang kasi yung chairs eh. at dahil nga mag-isa lang syang representative ng pamilya ko, medyo mahinhin ang pagkain nya. pero pag-alis nung umalis na sila nanay at maries, kumain uli si bilo.

si maries at ako ay kumain nalang sa sala dahil nga wala na kaming mapwestuhan sa dining area.

Haaayyy...parang fairytale ang mga pangyayaring ito. Hindi talaga ako makapaniwala. Lord, thank you po sa lahat ng ito.

Wednesday, October 26, 2005

tHe pRoPoSaL

Flashback: I went to Gensan Branch to conduct CiC 2Ps and FOS Enhancement Training - October 16-26,2005.

Enjoy ang pagsakay namin ng PAL plane galing Gensan. Nanlalamig si Joan dahil sa nerbyos,ako naman ay nanghihingi agad ng breakfast (kapal) kahit hindi pa nagte-take-off ang plane. si Jhake naman eh tawa lang ng tawa dahil sa mga kalokohan at kakulitan naming tatlo.

Before we land sa Manila airport, ilang beses nagpaikot-ikot yung plane sa ere bago tuluyang nag-landing. Kinabahan nga yung dalawa pano kasi laging nanonood ng national geographic kaya kung anu-ano ang naiisip. Na-delay din ang mga bagahe kaya ang tagal naming naghintay para lang makuha yung mga gamit namin.

akala ko nga mahihirapan pa kaming magkita ni Maries pano ang laki laki ng airport. Buti nalang nakita nya ako agad. Halos katapat ko nalang sya, hindi ko pa sya nakita to think na suot ko pa yung eyeglasses ko. ang labo kasi ng mata ko eh.

So yun, naghiwalay na kami nila Joan. kanya-kanyang kuha na ng taxi para makauwi. Sumakay na kami ni Maries ng Taxi. ako yung nasa likod ng driver at sya naman yung nasa right side ko. habang umaandar yung taxi, binigyan ako ng Honey ko ng waffle. Same waffle ito na nabibili sa bawat station ng LRT. masarap kasi kaya lagi kaming bumibili nung waffle.

Maries: (not exactly the same words) Kain ka muna ... (sabay abot nung waffle sa akin)

Aba! Pagkakuha ko nung waffle, nagtaka ako dahil may kagat na. kung sabagay, hindi ako sobrang nagtaka dahil knowing Maries, huh! eh talagang malakas kumain yun. Nung hawak ko na yung waffle at akmang sinisilip ko na yung laman, i saw something na "shiny". I was really surprised kasi from that moment, alam ko na singsing iyon. Medyo hindi nga ma-drama yung moment kasi todo ngiti lang ako at nakatinign sa kanya. puro "wow!" lang yata ang nasabi ko eh.

Kinuha ko yung ring na medyo may waffle at hotdog pa (he he!) at sobrang hindi ako makapaniwala. sobrang na surpresa ako.

Inside the taxi, he popped the question "will you marry me?" and i said "yes". Aba syempre, dapat may kasunod na kiss yun. so kahit na nagda-drive si manong driver at sumisilip sa rear mirror, queber! basta ang alam ko, masaya kami ng Honey ko. Haaayy...ang haba ng hair ko.

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker