Monday, December 26, 2005

BriDaL CaR & UniTy CanDLe

Maries & I met at Jollibee Tayuman ( as always) at around 11:30pm. Medyo tinanghali na kasi medyo tumambay pa'ko sa bahay namin at nagbayad na ako ng balance namin sa gown. We had our lunch at Jollibee tapos nun, nag-LRT-MRT na kami papuntang Ayala. Hinanap namin yung Rustans kasi katapat lang daw nun yung Makati Tuscany Condominium. Hindi naman kami masyadong nahirapan maghanap kasi okay yung pinagtanungan kong guard.
Bloopers sa kalye : May ale na nagtanong kay Maries
Ale: Pwede bang tumawid dito?
Maries: Ah opo. Antayin nyo lang pong magpula ang ...
Ale: ( After marinig ang "opo" ni Maries ay bigla-biglang tumakbo patawid ng kalye)
Maries: a...a... (Hindi pa tapos magsalita)
Melody: Hon, binastos ka..
Maries: Na-wow mali yata tayo eh. Asan ba ang camera? ha ha ha...
* At yung ale ay nasa kabilang kalye na habang nagtatawanan parin kami. he he...
So, yun nga, nakita namin sa ground floor ng Makati Tuscany ang Carlines Rent-a-car. Okay naman yung office and instead of having Toyota Vios, we opted to reserve Toyota Altis. Mas maganda kasi at mas malaki. We didn't see the actual unit but according to them, okay naman daw at walang gasgas. We paid in full para wala nang problema. So, the package includes the car (syempre), driver, gasoline and simple flowers for the bridal car. Good for 5 hours yung fee and additional P350.00 per exceeding hour.
Ms. Mae, (we think she's the owner of Carlines), asked for my wedding motiff. Since i have a copy of our wedding invitation, i showed it to her. Aba! ang sabi nya " this is beautiful. " ang sabi ko naman " ako po ang may gawa nyan (yabang!) ". Nakakatuwa kasi manghang-mangha sya sa invitation. So habang tinitingnan nya, sabi nya " very creative. sobrang personalized. detalyado lahat mula sa string...flowers...and pati itong maliliit na papel... blah blah blah..". Palakpak naman ang tenga ko at sobrang nakangiti kasi na-appreciate nya yung invitation. La lang, thanks to my friends who helped me in preparing the invitations. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi nya. Before we left, she gave me a little box containing red & orange soaps from body shop and she also gave Maries a calendar.
We were supposed to bring the copy of the misallette to the church but when we arrive, their office was closed. Okay nalang din. Sa wednesday nalang kami pupunta. Nagpareserve na kami ng rooms sa Aberdeen Court. Ganun lang pala ang reservation dun, ililista nila yung requirement mo sa logbook. I just hope na mapagtabi talaga nila yung room namin ni Maries before the wedding para mapadali ang pagkuha ng video. We also reserved a suite room for our honeymoon ; )
Bago kami umalis ng west avenue, hinanap muna namin yung The One Executive Building para iabot yung invitation for Jennet and Christian. Since wala silang office, iniwan nalang namin sa guard sa lobby yung invitation.
Nagpunta kami sa SM North Edsa para maghanap ng unity candle.Nakakita ako ng unity candle sa wedding library kaso ang mahal naman masyado P600 to almost 2k ang mga presyo. Hindi practical kaya chinika-chika ko nalang yung saleslady dun habang sinusukat-sukat ko na yung lapad at haba ng candle. Gagawa nalang ako ng sarili naming unity candle. Nakakita rin kami ng stall na puro kandila and medyo mas mura sya ng 300 plus lang pero red naman yung design eh blue yung motiff namin kaya ako nalang talag ang gagawa.
Pumunta kami sa sm supermarket at binili na namin yung ibang kailangan namin sa emergency kit ko like tissue, cotton, cotton buds at nakakuha kami ng candle (liwanag) sa halagang 100plus lang. Bumili narin kami ng matches na malaLAKI. Ayos.
Nagpadala narin kami sa LBC ng isang invitation papuntang Ellensburg, Washington. Ang siningil sa amin ay P1,000.00 and by January 3 or 4 na ang delivery nun. I hope matanggap agad ni Auntie Betsy yun kasi nakakahiya naman kung after the wedding nya na matatanggap.
Paguwi namin sa Novaliches, humirit pa'ko at nagpasama kay Maries para bumili ng silver strings na gagamitin ko sa candle.
Ang galing namin ng Honey ko. Kahit na masakit na ang mga paa namin ay ang dami naming nagawa ngayong araw na ito. Ilang tulog nalang...haaayyy....
Checklist:
Bridal Car - Carlines at G/F Makati Tuscany (infront of Rustans)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker