Thursday, December 08, 2005

‘d iNvitation FaCtoRy

Marami pang dapat I-polish sa mga invitations. Kaya naisipan kong dalihin ang mga ito sa office upang humingi ng tulong sa mga asmira ladies. Salamat naman at hindi ako napahiya sa kanila. Agad nila akong tinulungan. Buti nalang anjan sina pinky, kateh, mai at joan. Nag-part time job din sa factory ko sina ellen at erly kaso nahirapan si ellen na magpulupot ng mga flowers. He he…dapat paturuan ang batang ito sa nanay mai nya.

Hindi parin tapos ang mga imbitasyon pero dapat ay matapos na ito hanggang sabado dahil dadalaw na kami ni Maries sa mga ninong at ninang namin sa lalong madaling panahon.

Ang imbitasyon ay gawa sa:

1. Sinamai at Makiling Paper – galing sa Niños printing haus c/o John Rey.
2. Blue recycled paper – mula sa National bookstore, Robinsons Place na binili namin ni kateh.
3. Mga bulaklak at dahon – galing sa divisoria na binili namin ni valeng.
4. Silver strings – c/o Miranda bookstore at Recto and tindahan sa may Novaliches, Bayan.
5. Cream white board paper – marami itong gamit. Mula sa TY card sa souvenir, sa location map sa invitation at card na lalagyan ng pangalan sa invitation. Bnili namin ito ni Maries sa National Bookstore, West Ave. Malapit sa Church.

Ang mga kagamitan :

1. Gunting – mula sa gamit ni ms chabs, napulot ko lang na red na gunting sa office at gunting na remembrance ni jeff kay joan.
2. Paper crimper - mula sa National bookstore, Robinsons Place na binili namin ni kateh.
3. Glue gun – yung malaki na binili namin ni ellen at mai sa Expressions, Monumento ay sumabog na. Nag-overheat yata. Kaya nanghiram nalang ako ng maliit na glue gun kay Maries.
4. Glue Stick – mula kay Maries.
5. Ticket Puncher – binili namin ito ni Maries sa National Bookstore, Recto.
6. Mighty Bond – hindi namin dapat binili ito. Hindi naman sya useful. Nagmamantsa sa paper. Binili namin ito ni Maries sa National Bookstore, Recto.
7. Elmers Glue – hindi rin kapaki-pakinabang. Yung isa ay hiniram ko kay Bilo. Yung dalawa ay binili ko pa sa Novaliches, Bayan. Ibibigay ko nalang din siguro kay Bilo.

Ito ang replica ng imbitasyon : (wala pang picture eh. ginawa ko lang yan sa powerpoint)
Image hosted by Photobucket.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker