Wednesday, December 28, 2005

MiSaLettE,WeDdiNg SonG,BiBLe & MuLaWiN

7:14 am palang ay nasa Jollibee Tayuman na ako at naghihintay kay Maries. Dumating sya ng mga past 7:30 na. Late na naman pero okay lang at least hindi ako ganun katagal naghintay. Kaya hon, if you're reading this, pinatatawad na kita. he he. Thanks nga pala sa lunch ; )

Una naming pinuntahan ang Hearts of Jesus & Mary Parish sa West 4th. Dinala namin yung copy ng misalette para i-check ni Jhonny (secretary) kung okay yung contents. Sabi nya, okay lang naman daw tutal minor changes lang sa sasabihin ng commentator ang ginawa namin. Same flow parin naman yung mass. Sinamahan din kami ni Jhonny sa loob ng church para i-test kung nagmamatch na yung jack nung disc player namin dun sa player nila. Okay naman. Unang isinalang ni Maries yung kay Ogie para i-check yung sound. Ang tugtog ay "...bakit ba hindi ka nakilala ng ako'y malaya pa..."

Jhonny: (nagtataka) iyan po ba ang wedding song nyo?
Maries & Melody: hindi po. he he...

Then we played our wedding song " Sa Piling Mo " by Ogie and Regine and instrumental ng "Now that I Have You". Ang ganda. Actually, feel na feel ko nga eh kasi may red carpet pa dun. Inaayos nila yung church dahil may ikakasal ng 10am kaya medyo habang nakikinig sa song ay lumalakad din ako sa red carpet. he he... pa-girl.

Since maaga pa, nagpunta muna kami sa SM Manila at nonood ng "Mulawin". Okay yung palabas pero ayoko talaga pag nakikipaglaban si Alwina. Talon ng talon na para bang bumubwelo lagi. Nakabili narin kami ng Bible sa St. Pauls.
Medyo mabagal ang oras ngayon kasi nakapasok ako sa office ng walang ka-hassle hassle.12:32pm. Sakto lang para sa half-day leave ko. Si Maries naman ay hanggang mamayang gabi pa ang uwian. Mamaya, pag hindi sumakit ang ulo ko dahil sa sipon, aayusin ko na yung unity candle namin at matches.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker