Tuesday, February 14, 2006

oUr fiRst vaLenTinE's DaY

Dahil Valentines day, marami ang nakatanggap ng bulaklak sa amin gaya nila ms chabs, ate mean at joan.

Nakakakilig talaga. Pero ako, hindi na ako nag-expect ng kahit ano kay maries kasi alam ko namang hindi lang bulaklak ang makapagpapasaya sa akin ngayon. Sapat na sa akin na magkasama kami. Ito ang unang valentines day namin bilang mag-asawa.

Day-off ni Maries today kaya naiwan lang sya sa bahay. Ako naman ay pumasok sa office. Sabi pa nya sa text niya sa akin nung bandang hapon “ Hon, mga 5:30 pm kana umuwi kasi nawalan ng tubig habang naglilinis ako ng banyo, ayoko madatnan mong marumi yung bahay. Sorry hindi na kita masusundo. Kung gusto mo, kain nalang tayo sa labas mamaya”. Naisip ko tuloy, eh ano kaya kung magyaya ako sa chades or sa golden fortune.

Hapon na ako nakarating sa bahay. Yun pala may naghihintay na surpresa. Nung paakyat na ako sa hagdan, nakasalubong ko si Maries na may bitbit na basyo ng bote ng coke. Sabi pa nya sa akin “ bibili ako ng coke, nauuhaw ako eh…mauna kana sa taas hon” Sabi ko “ hindi, sasamahan na kitang bumili”. So sabay na kaming bumili ng coke.

Nung nakabili na kami, ako ang nagbukas ng pinto sa bahay. Patay yung ilaw kaya nung binuksan, lumiwanag yung buong bahay … naluha ako sa nakita ko … isang mesa na may nakahain na spaghetti at chicken, may heart shaped donuts sa gitna at merong candles sa mesa. Sabay narinig kong tumutugtog yung wedding song namin na “sa piling mo”…

Sobrang na-touch ako. Habang nakatayo kami sa may pintuan, napayakap ako sa kanya habang umiiyak. Umiyak din sya kasi raw nakita nya na masaya ako sa ginawa nya. Nung medyo nahimasmasan na, lumapit sya sa mesa at sinindihan ang kandila. Around 6:45 pm, habang kumakain kami, sinabi nya sa akin na “ Mahal na mahal kita” Aaayyy… sobrang sarap ng feeling. Ang sweet naman ng honey ko. Ito ang pinaka-romantic at unique na valentines day namin together.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

medyo namumugto pa ang mga mata namin. he he...

4 Comments:

Blogger benj said...

wala akong masabi kay maries. grabe. champion! idol! :)

February 15, 2006 9:19 AM  
Blogger jk said...

awww. :) alam mo na ang saloobin ko tungkol dito kasi bago mo pa na-type ito (ang bagal m kasi mag type) eh naikwento mo na. ;)

basta, astig! :)

February 15, 2006 2:37 PM  
Blogger maries & melody said...

oo nga eh. itong si maries may naitatago rin palang talento. he he. kaya nga mahal na mahal ko to eh.

February 15, 2006 3:51 PM  
Blogger Beej said...

awww... *kilig* :)

February 17, 2006 2:25 PM  

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker