Saturday, June 23, 2007

NagBaBaLik

Ang tagal ko ring hindi nakapag-blog. Busy kasi ... at saka malayo ang computer shop samin ... at saka mahal ang bayad ... at saka ... teka nga, ang dami kong dahilan. ang mahalaga heto na uli ako ...
Dalawang araw na akong naka-MC (sick leave) sa kompanya dahil sinisipon at inuubo ako. Syempre, hindi ako pwedeng mag-offer ng credit card sa phone habang sumisinghot at umuubo. So habang nasa bahay ako, panuod nuod lang ng TV, kain, tulog at kain (uli) ang ginagawa ko. Si Maries naman, nasa bahay sya kaninang umaga at bandang 1:30pm pa sya umalis para pumasok sa opisina. Mga 11pm na siguro ang balik nun sa bahay.Kaya eto, solo flight na muna ako.
Bakit ganun, parang ang dami kong naiisip isulat dito nung isang araw pa pero ngayong kaharap ko na ang computer, hindi ako makapag-isip.
Ie-enumerate ko na lang... hehe ..
1. mula sa malaking kama, maliit na uli yung kama namin ni maries. sobrang thankful ako kasi mas naging close kami (literally hehe...). basta iba talaga ang feeling nung magigising ka sa madaling araw or sa umaga tapos kayakap mo yung mahal mo. (sana lang wag magkapalit yung mukha namin ... )
2. nakabili na si maries ng pangarap nyang PSP kaso puro wrestling palang yung game nya.pinagiipunan pa nya yung NBA 2007.
3. hindi na magkasya sakin yung pants ko na black ... so ibig sabihin nun ... umurong yung tela sa kakalaba (ows?)
4. ako na nga pala ang official barbero ng honey ko. ang dali lang pala mag-shave ng ulo.easy!
5. lumaki na naman yung tyan ni maries dahil sa tatlong plato ng rice gabi-gabi (hon,hinay hinay lang)
yung ibang update, sa susunod nalang uli kasi medyo hapon na. kailangan ko nang mag-log-out.

3 Comments:

Blogger Beej said...

sus, bitin naman ang kwento. miss you meggy! :)

June 25, 2007 8:17 AM  
Blogger jk said...

meg! sa wakas, nag update ka na ng blog mo. hehe... pakunwari ka pa, ikaw ata tong tatlong plato ng kanin ang kinakain pag gabi eh. dinamay mo pa si maries. hehe

June 25, 2007 4:48 PM  
Blogger maries & melody said...

hello hoops & yoyo. kamusta na kayong dalawa? hehe. miss you both.

June 27, 2007 7:33 PM  

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Philippines

malayo sa pagiging perpekto ang samahan namin pero walang imposible kapag magkasama kami.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Daisypath Ticker