PaRa KAy MaRieS ...
labis kong hinahangaan
ang iyong katapangan
na pamilya ay iwanan
at magtrabaho sa ibang bayan
hindi biro ang kalungkutan
na iyong nilalabanan
gayundin ang pagod
ng iyong katawan
katumbas ng pawis at luha
ay ang butil ng pag-asa
na nais mong ialay
sa iyong mahal sa buhay
kapalit ng pagsasakripisyo
ay ang katuparan ng pangako
na hindi mo hahayaang
kami ay mahirapan
nawa'y lalo kang patatagin
ng aming mga dalangin
na sa panahon ng pagdirimdim
ay 'wag ka Niyang lisanin
damhin mo ang pagmamahal
ng puso naming nananabik
baunin mo sa pag-idlip
ang alaalang matatamis
isang araw sa iyong paggising
muli ka naming makakapiling
mga sakripisyong dinaana'y
bakas na lang ng magandang buhay
9.23.06

2 Comments:
awww.
miss ka na namin maries. :(
hehe. yung message mo hindi bagay sa picture mo. hehe. parang ang saya saya mo.
Post a Comment
<< Home